ANG sarap subaybayan ang lalawigan ng Quezon, hindi dahil sa progresong nagaganap dahil wala namang progreso at pagbabago rito, kundi sa mga maling pahayag ni Gobernador Danilo Suarez hinggil sa bakuna.
Sa kasalukuyan, marami nang residente ng Quezon na Gobernador “Danny Sputnik” ang tawag sa kanya.
Pokaragat na ‘yan!
Malaki na nga problema ng mahigit dalawang miyong residente ng Quezon sa buhay at talamak na coronavirus disease – 2019 (COVID – 19), nagawa pang magpakawala ang ilan sa kanila ng bagong bansag kay gobernador na Danny Sputnik.
Biruin n’yo, nakaisip agad sila ng ibabansag sa kanilang gobernador na si Danny Suarez.
Taang-tama, malapit na ang eleksyon.
Nagsimulang tawaging Danny Sputnik si gobernador makaraang ipangalandakan nito sa “Report to the Nation” ng National Press Club (NPC) noong Abril 23 na nakakuha raw ng Sputnik V vaccine ang kanyang administrasyon.
Samakatuwid, ang punto niya ay malulutas na ang napakasahol na suliranin ng Quezon sa COVID – 19.
Maraming taga-Quezon ang nakapanood sa Facebook sa pagpapaliwanag ni Governor Suarez sa press forum ng NPC sa pangunguna ng mga beteranong Koluminstang sina Paul Gutierrez at Joey Venancio.
Basahin po ninyo ang pahayag na ito: “April 14, dumating na yung Sputnik namin galing Russia. On that line, Sinovac 5,545, Astra-seneca 871. Sputnik wala yung numero pero nasa amin na. I reconfirmed it with our provincial head. Gamaleya Sputnik ang pangalan. Ang balita ko kasi dito sa Sputnik hindi isinama sa region nandun lahat accept Quezon. Kaya nga tinawagan ko si Secretary Francis Duque. Alam mo naman matagal ko ng kaibigan yun, I called him the other day sabi ko Francis ba’t wala akong Sputnik?”, pagmamalaking sinabi ni Suarez sa NPC press briefing.
Hindi binanggit ni Suarez kung ilang doses ng Sputnik V vaccines ang nakuha ng Quezon at kung may pasilidad sila para sa storage requirement para sa nasabing bakuna.
Dito nagsimulang bansagang “Danny Sputnik” si Danny Suarez ng mga residente ng Quezon.
Pokaragat na ‘yan!
Ang kyut ninyong mag-isip!
Aba teka lang, di ba’t ito ‘yung kalaban ng OXO, Commando at Batang City Jail?
Hehehehe.
“Maliban na lamang kung magpapakita siya ng pruweba na nakakuha na nga ng Russian-made vaccine Sputnik V ang Quezon.
Kung hindi pa, ay naku, palpak ang diskarteng ito dahil binibigyan nya lang ng kawalang-pagasa ang mga taga-Quezon sa gitna ng paglobo ng covid 19.”
\Ito ang nag-aalimpuyo sa galit na tanong ng Quezon Rise Movement (QRM), isang bagong tatag na civil society movement na sumisigaw ng pagbabago sa lalawigan.
Hindi kaya ulyanin na itong si Gobernador Suarez?
Base sa pahayag ni Pangulong Duterte: “I will direct the secretary of the Department of the Interior and Local Government (DILG) to hold the local government officials responsible for this kind of events happening in their places. It is a violation of the law and if you do not enforce the law, there is dereliction of duty which is punishable under the Revised Penal Code.”
Isa kasi ang Quezon sa mga LGUs na pinakamakupad at matamlay ang pagtugon sa covid 19, na may 2.9 percent lamang ang vaccination rate.
Sa mahigit 2 milyong populasyon ng lalawigan, nasa 14,000 ng mga residente rito ang nabakunahan na, pinakababa sa LGUs na nakatanggap ng bakuna sa buong bansa.
Obligadong mag-isip si Gobernador Suarez nang mabuti upang hindi mali-mali ang kanyang pahayag sa media.
The post Danilo “Danny Sputnik” Suarez, ang pumalpak na gobernador ng Quezon sa bakuna appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: