Facebook

Mga Pilipinong Manggagawa, binigyang-pugay ni Sen. Go

NAGBIGAY-PUGAY sa mga manggagawang Pilipino si Senador Christopher “Bong” Go ngayong araw ng paggawa.

Sinabi ni Go na simula noon hanggang ngayon, ang mga manggagawang Pilipino ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng ekononiya ng bansa.

Ayon kay Go, ang pag-unlad na tinatamasa sa bansa ay bunga ng sipag at husay ng mga manggagawa.

Dahil dito aniya ay mahalagang protektahan ang kalusugan, karapatan at kapakanan ng lahat ng manggagawang Pilipino.

Tiniyak ni Go na patuloy ang gobyerno sa pagsusulong ng karapatan ng mga magigiting na manggagawa lalo na sa panahon ng krisis na tulad ngayon dahil sa COVID-19.

Hinimok ni Go ang mga employers na unahin ang kapakanan ng mga manggagawa sa gitna ng epekto ng pandemya sa socio-economic.

Umapela si Go sa lahat na magkaisa para isulong ang kapakanan ng bawat manggagawa para makamit ang isang masaganang kinabukasan habang dahan-dahan ang pagbubukas at pag-recover ng ekonomiya.

Matatandaang sa kasagsagan ng pandemya, maraming apela na ni Go para sa kapakanan ng mga manggagawa ang napagbigyan ng pamahalaan. (Mylene Alfonso)

The post Mga Pilipinong Manggagawa, binigyang-pugay ni Sen. Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga Pilipinong Manggagawa, binigyang-pugay ni Sen. Go Mga Pilipinong Manggagawa, binigyang-pugay ni Sen. Go Reviewed by misfitgympal on Mayo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.