IDINEPENSA ng isang opisyal ng Cebu Mactan Airbase si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga kumakalat na “black propaganda” o fake news hinggil sa ginawa niyang pagresponde at pagtulong sa mga biktima ng nag-crash na Philippine Air Force helicopter noong Abril 27 sa katubigan ng Jandayan Island sa Getafe, Bohol.
Namatay sa chopper crash ang piloto na si Capt. Aurelios Olano habang nasugatan ang tatlong Air Force personnel.
Personal na nakiramay si Go sa pamilya ni Capt. Olano na binigyan ng cash bilang tulong ng senador at ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Bukod sa financial assistance, sina Go at Pangulong Duterte ang sumagot sa gastos sa ospital ng tatlong nasugatang Airforce personnel na sina 1Lt. Hilary Bunao, co-pilot; AIC Bonn Arasola at AIC Rex Anapyo.
Batay sa official reports, umalis ang helicopter sa Mactan Airbase para sa regular na maintenance flight subalit biglang nakaranas ng turbulence sa ere hanggang sa bumagsak sa isla ng Bohol.
Nang mangyari ang aksidente ay nasa Cebu si Go matapos dumalo sa 500th anniversary ng Victory of Mactan sa Lapu-Lapu City at pangunahan ang pagbubukas ng 103th Malasakit Center sa Carcar Provincial Hospital.
Taliwas ito sa kumalat na fake news sa social media na nagtungo lamang sa Cebu si Sen. Go para “mag-photo-ops” sa mga biktima ng chopper crash sa Mactan ng Cebu Airport.
Ayon kay Colonel Tony Francisco, chief of command staff ng PAF Air Mobility Command na nakabase sa Mactan Airbase, pasakay na si Sen. Go sa naghihintay na eroplano patungong Maynila nang makarating sa kaalaman ng senador na naroon ang ambulansiya na magdadala sa crash survivors sa ospital.
Nagtanong si Go kay Col. Franciso kung puwede malapitan ang mga biktima para alamin ang kanilang kalagayan at nang payagan ay mabilis na kinausap ng mambabatas ang mga ito. Tiniyak ni Go sa mga biktima na makararating sa kanila ang kanyang tulong at ng gobyerno.
“Everything happened instantaneously, wala pong pinagplanuhan o pinag-isipan. Walang media at mga camera na inihanda upang kumuha ng footage. Ang mga nakakuha lamang ng litrato ay ‘yung may mga dalang cellphone,” ang paliwanag ni Col. Francisco.
“Napaka-unfair naman po kay Sen. Bong Go o kahit na kaninong tao, na sa kagustuhang makatulong at magmalasakit sa kanyang kapwa ay pag-iisipan pa at gagawan ng masamang istorya,” idinagdag ni Francicso.
Pinuri at sinaluduhan ni Francisco si Sen. Go na tila aniya isang tunay na opisyal ng militar dahil sa ipinakitang awa at malasakit sa sugatang tropa.
“He was very spontaneous and acted without any mental reservations. For that, we salute him,” ani Col. Francisco.
“Nung tingnan nya ang mga galos at pasa ng female survivor, nu’ng hinawakan n’ya sa balikat yung pasyente na nasa stretcher at sinabihan nya na huwag mag alala at tutulungan nya sila, walang ibang nakakarinig noon kundi ‘yung mga medic lang at ako na nasa tabi nya… mararamdaman mo talaga ang tunay na malasakit at galing sa puso na pag-aalala. The truest gesture of a kind heart in that very particular time,” ang sambit ng opisyal ukol sa senador. (PFT Team)
The post Bong Go biktima ng ‘fake news’, idinepensa ng Cebu Mactan Airbase official appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: