NAGING abala sina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna sa pagdiriwang ng Labor Day kung saan pinangunahan nila ang paglikha ng job opportunities at paglulunsad ng simultaneous vaccinations sa may 19 na sites na nakakalat sa lahat ng anim na distrito ng kabisera ng bansa.
Ang serye ng pagbabakuna ay naging tampok nang daluhan ni Moreno ang ‘Resbakunahan sa Araw ng Paggawa’, isang special event para sa Labor Day na sumaksi sa symbolic vaccination ng may 1,200 Overseas Filipino Workers (OFWs) at lokal na kawani sa Palacio de Maynila, Roxas Boulevard.
Sinaksihan nina Moreno kasama sina Labor Secretary Silvestre Bello III, Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Sec. Isidro Lapeña, ang unang pagbabakuna na ginawa mismo ni Manila Health Department chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan.
Sa nasabing pagtitipon, nanawagan si Moreno sa mga OFWs na magpabakuna at umapela rin na kapag nabakunahan na ay huwag na huwag magre-relax at patuloy na gawin ang health protocols.
Kaugnay nito, pinangunahan ni Vice Mayor Honey Lacuna ang iba’t-ibang team mula sa MHD para sa pagbabakuna ng may 10,000 indibidwal sa 19 na designated vaccination sites na nagsimula ng alas-8 ng umaga.
Kabilang sa mga nabakunahan ay ang 9,000 indibidwal na tumanggap ng kanilang second dose. Sila ay yaong mga nabibilang sa A1 hanggang A3 priority groups o health frontliners, senior citizens at mga nasa edad 18 hanggang 59 at may comorbidities at tumanggap ng kanilang unang bakuna ng Sinovac vaccine noong April 3.
May kabuuang 12 sites ang inutos nina Moreno at Lacuna na buhayin upang maglingkod at magbigay sigla sa mga residente.
Kasabay nito ay anim pang vaccination sites ang itinakda para sa mga tuturukan ng unang dose ng Sinovac, ito ay para sa nabibilang sa priority groups A1 hanggang A3. May total na 600 doses ang itinurok sa bawat site mula 8 a.m. hanggang 5 p.m. sa ilalim ng superbisyon ni Lacuna, na isa ring doktor.
Dakong tanghali naman nang magsilbing tagapamagitan si Moreno via Facebook live sa mga employers na naghahanap ng mga bagong tauhan, gayundin sa mga job seekers na naghahanap ng trabaho sa gitna ng pandemya.
Sa pamamagitan ng Manila Public Employment Service Office (PESO) sa ilalim ni Fernan Bermejo na nag-organisa ng job fair, ang mga employers ay nagawang ianunsyo ang mga sa job vacancies, qualifications at contact details ng kanilang kumpanya.
Sinabi ni Bermejo na may 6,000 bakanteng trabaho ang naghihintay sa may 6,000 professional at skilled workers.
Sa kabilang banda, ay kinapanayam naman ni Moreno ang human resource managers, owners at authorized representatives ng mga lumahok na kumpanya na umabot sa 30 ang bilang . (ANDI GARCIA)
The post Isko at Honey, naging abala sa ‘Laboy Day’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: