ANG E-SUMBONG o ang electronic SUMBONG ng pambansang kapulisan ay isang pet project ni PNP chief,Gen.Guillermo Eleasar.
Layon nitong magkaroon ng direct accesss ang mga ordinaryong mamamayan sa mabunying heneral upang makapagbigay ng impormasyon at magkaroon ng isang social media platform para makapagsumbong sa tanggapang ng chief ang ordinaryong si Juan dela Cruz.
Layon din nito na ma-maximized ang kakayanan at kapasidad ng taongbayan na makatulong sa kapulisan sa kanilang anti- criminality campaign partikular na sa laban sa masasamang ekemento ng lipunan.
Kasama sa layunin ay maging grassroot counterpart ng PNP ang mga mamamayan na mas nakakaalam ng kani-kanilang mga pamayanan at sitwasyon ng kanilang komunidad.
Malaking bagay din ito upang direktang matukoy kung sinu-sinong indibidwal o grupo sa isang barangay o komunidad ang gumagawa ng iligal at di sumusunod sa batas.
Malaki rin ang maitutulong nito sa internal cleansing ng PNP dahil magagawa na ng mga mamamayan na maisumbong ng direkta kay Gen. Eleazar kung sinu- sino sa kanyang mga opisyal at tauhan ang umaabuso,patong at gumagawa ng di tama.
Mula sa simpleng iligal na sugal hanggang sa malalaking sindikato gaya ng sa iligal na droga at iba pang criminal activities ay magkakaroon ng malalim na balon ng impormasyon ang liderato ng PNP.
Ang tanging kuwestiyon na lamang dito ay kung anong sistema ang paiiralin ni Gen.Eleasar upang maayos at tamang maisasagawa ang validation sa mga sumbong at impormasyong ipinagkakaloob o itinitext ng taongbayan sa E-SUMBONG.
Dahil malaki ang tiwala natin sa sensiridad at katapatan sa tungkulin ni Gen.Eleazar,naniniwala tayong may sarili siyang formula para salain ang lahat ng impomasyong pumapasok sa programa niyang E-SUMBONG.
Sa mga unang araw ng panunungkulan ng mamang heneral sa poder,nakita natin ang kanyang magandang plano sa PNP upang lubos na mapabuti ang kalidad ng pagseserbisyo ng ating kapulisan sa taongbayan.
Kung may ilang mang glitches sa pagpapatupad ng isang all out reform sa PNP, naniniwala tayo na maiaayos ito ni Eleazar sa lalong madaling panahon.
Ngayon pa lamang ay pinapupurihan na nàtin ang hindi matatawarang pagsisikap,determinasyon at katapatang ipinapakità ni Gen. Eleazar sa kanyang role bilang butihin ama ng mahigit sa 200 thousand PNP force.
Hindi madaling ipastol ang ganito kàraming kapulisan na ang ilan ay nakasanayan nang mamuhay sa araw-araw kaakibat sa kanilang sistema ang nakaugaliàn kailigalan sa katawan.
Alam natin more than anybody else na batid ni Eleazar ang katotohanang ito that haunts the PNP.
We know for a fact na hinding hindi niya hahayaang makapamahay sa PNP ang mga ganito kabulok na sistema.
More power and goodluck Gen.Eleazar in your quest na patinuin at baguhin ang institusyon ng pagpupulis.
Mabuhay po kayo Sir and GOD BLESS!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post E-SUMBONG NG PNP, MALAKING TULONG SA MAMAMAYAN appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: