“NOT on my watch.”
Ito ang deklarasyon ni Manila Mayor Isko Moreno bilang pagtutol sa bentahan ng anti-COVID-19 vaccines sa kabisera ng bansa ng mga pribadong organisasyon, indibidwal at kumpanya.
Nag-alok din si Moreno ng mga kailangang numero ng mga doctors at nurses na magsisilbing vaccinators, encoders at iba pang kawani na kakailanganin para sa maramihang pagbabakuna ng mga pribadong kumpanya para sa kanilang mga empleyado.
Sinabi ng alkalde na magpapadala ng vaccinating teams ang pamahalaang lokal nang libre dahil ito ay kanilang gawain bilang public servant.
‘Any organization or kompanya, hindi ko papayagan to exploit the situation. Not on my watch. Hindi ko hahayaan na gahasain ninuman ang kahinaan ng taumbayan to access the vaccines. Kaya nga di kami nagpapahinga, nagkukumahog kami by reaching out to as many as possible,” giit ni Moreno .
Nanawagan ang alkalde sa lahat ng pribadong organisasyon, indibidwal at kumpanya na bumili ng vaccines at ibigay ito ng libre sa kanilang mga empleyado sa halip na pabayaran ito sa pamamagitan ng salary deduction scheme.
Nagbabala din si Moreno sa publiko na huwag magpabiktima sa mga taong nagsasabing ang sinisingil lamang nila ay ang administration expenses at hindi ang vaccines.
“No company, person or organization can sell the vaccine. Panawagan ko ‘to ha. Magpapasa kami ng batas sa Maynila laban sa mga nagpapabayad ng bakuna. Ipakukulong ko talaga kayo,” pahayag ng iritadong alkalde.
Ayon kay Moreno, ang vaccines ay dapat na abot kamay ng lahat at habang pinapayagan ang private sector na makakuha ng doses, ito ay para ibigay sa kanilang mga empleyado ng libre.
“Hindi dapat for a fee or salary deduction, kasi mae-expose tayo sa ibang bansa na ginagawang enterprise ang kahinaan ng mga tao. Naitala ang bakuna as EUA (emergency use authorization) and not as CPR (certificate of production) registration na puwede na for commercial use,” paliwanag pa ng alkalde. (ANDI GARCIA)
The post “Ipakukulong ko kayo” — Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: