PATULOY ang pagtaas ng dagdag na kaso ng coronavirus disease.
Ang Department of Health (DOH) ay nakapagtala ng 6,831 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Samantala ay mayroon namang naitalang 7,981 na gumaling at 183 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.6% (54,326) ang aktibong kaso, 93.7% (1,103,945) na ang gumaling, at 1.69% (19,946) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga ay operational noong May 20, 2021 ngunit mayroong 3 na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.7% sa lahat ng samples na naitest at 0.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: https://ift.tt/3kEXxbI. (ANDI GARCIA)
The post 6,831 NA DAGDAG KASO NG COVID-19, NAITALA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: