PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglalabas ng Executive Order No. 134 na nagbibigay ng proteksyon sa kita at kapakanan ng local hog producers at bilang tugon na rin sa pangamba ng ilang mambabatas.
“Malaki din ang maitutulong nito sa ating local hog producers. Marami sa kanila ang nawalan ng kabuhayan dahil sa ASF. Gawin natin ang lahat ng ating makakaya para pagaanin ang pinapasan nila,” ani Go said.
Nauna rito, nilagdaan ni President Rodrigo Duterte ang EO No. 128, na pansamantalang nagtatapyas sa halaga ng import duty sa imported pork products para matugunan ang pork supply shortage, at ma-estabilize ang presyo ng karneng baboy.
Gayunman, ang nasabing measure, however, ay pinalagan ng ilang mambabatas ng dalawang kapulungan ng Kongereso at ng farmers’ associations sa pagsasabing nakaapekto ito sa kita ng local hog industry.
Kaya naman pumagitna si Go sa executive at legislative branches ng gobyerno na humantong sa pamamagitan ng paglalatag ng mas katanggap-tanggap na pork import tariff rates.
“Nag-meet halfway ang Congress at ang ating economic managers. Mahalaga ito dahil gusto nating mabigyan ng solusyon ang mataas pa ring presyo ng karne at ang pagprotekta sa ating local industry,” sabi ni Go.
“Maingat lang na binabalanse natin ang pangangailangan na mas murang presyo ng karne, lalo na na maraming pamilya ang apektado ng pandemya, at ang pangangailangan na protektahan din natin ang ating local farmers at kanilang kabuhayan,” idinagdag niya.
Base sa modified figures na nakapaloob sa EO No. 134, ang tariff rates sa fresh, chilled o frozen meat ng baboy ay tatapyasan sa loob ng isang taon, mula thirty per cent (30%) (in-quota) at forty per cent (40%) (out-quota) sa ten per cent (10%) (in-quota) at twenty per cent (20%) (out-quota) sa unang 3 buwan at fifteen per cent (15%) (in-quota) at twenty-five per cent (25%) (out-quota) sa ikaapat na buwan hanggang katapusan ng susunod na 12 buwan.
“Huwag po natin hayaan na madagdagan pa ang mga nagugutom. Kaya hinihikayat ko ang mga kasamahan ko sa gobyerno na magtulungan para sa kapakanan ng mga Pilipinong hirap na hirap na talaga. Pagaanin natin ang kanilang pinapasan at huwag natin silang mas pahirapan pa,” ayon kay Go.
“Wala na nga pambili ng pagkain ang mga kababayan natin, tataas pa ang presyo. Mas lalong mahihirapan ang ordinaryong Pilipino. Ipaglalaban po natin ang tatlong importanteng mga adhikain na ito sa loob at labas ng Senado — ang pagsugpo sa gutom; ang pagkakaroon ng sapat, ligtas, at epektibong bakuna; at ang pagpapalakas ng ekonomiya at kabuhayan ng bawat Pilipino,” anang pa ng senador. (PFT Team)
The post EO ni PRRD na nagpoprotekta sa local hog producers, pinuri ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: