TINATAYANG aabot sa 4-milyong Pilipino mula 15-anyos pataas ang nawalan ng trabaho mula Enero 2021 dahil sa pandemic na mas mataas sa data noong Enero 2020 na may 2.4 milyon lamang ang jobless ayon sa tala ng National Statistic Authority (PSA).
Nabatid sa pribadong kumpanyang We Evolve Marketing Corporation upang matulungan ang administrasyon ni Pangulong Duterte na maayudahan ang mga Pilipino na nawalan ng hanapbuhay ngayong pandemic nakahandang magkaloob ang kanilang kumpanya ng livelihood at job opportunity sa milyong Pilipino na nawalan ng trabaho.
Ayon kay Dr. Alvin Sahagun, Presidente at isa sa may-ari at Board of Director ng We Evolve Marketing Corporation, maraming paraan para kumita para masuportahan ang pangangailangan ng pamilya sa pamamagitan ng isang home-based online business at social entrepreneurship.
Nabatid kay Dr. Sahagun sa pagkakaroon ng tamang kaalaman hinggil sa mga oportunidad na ito, walang dahilan para magutom ang isang Pilipino.
Sinabi pa nito na marami nang natulungan ang kanilang kumpanya na naapektuhan ng pandemic.
Samantala kaugnay nito sinabi ng Philippine Statistic Authority (PSA) ang unemployment rate, tumaas sa 8.7 percent nitong January 2021 mula sa 5.3 percent noong January 2020.
Si Dr. Sahagun na isang aktibong change advocates sa bansa patuloy ding nagkakaloob ng ayuda sa iba’t ibang grupo partikular sa pagsasagawa ng mga feeding programs at community pantries para sa mga nangangailangan. (Boy Celario)
The post Trabaho laan ng pribadong kumpanya sa Pinoy jobless appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: