Facebook

Expansion ng Calbayog Airport sa Samar, pinuri ni Bong Go

PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go ang infrastructure program ng pamahalaan matapos ang inagurasyon ng Calbayog Airport sa Samar.

Ang expansion ng nasabing paliparan ay magsisilbing malaking tulong sa Tacloban City Airport na nagsisilbi sa kasalukuyan bilang “main gateway” ng Eastern Visayas.

“Natutuwa po akong makasama kayo ngayon sa inagurasyon ng bagong terminal building sa Calbayog Airport. Kahit sa gitna ng pandemya, nananatiling nagsusumikap ang inyong pamahalaan para ipagpatuloy ang mga mahahalagang proyekto sa inyong komunidad,” ani Go.

“Ito ay patunay ng malasakit at dedikasyon ng Duterte Administration sa paglilingkod sa buong taumbayan,” idinagdag niya.

Sinabi ng senador na ang bagong terminal building—na makatatanggap na ng 450 pasahero mula sa dating 76—at bagong runway na makakapag-accommodate ng mas malaking aircrafts, ay patunay ng pangako ng gobyerno na palakasin ang infrastructure projects nito sa ilalim ng Build, Build, Build Program sa kabila ng pandemya.

“Natutuwa po akong ilunsad ang bagong terminal building sa Calbayog Airport na isang patunay sa pagsulong ng Build, Build, Build Program ng pamahalaan,” sabi ni Go.

Ang upgraded airport, ayon kay Go, ay malaking tulong upang makabangon ang turismo sa rehiyon.

“Hindi po natin nakakalimutan isama ang Samar sa Golden Age of Infrastructure ng ating bansa. Tiyak po ako na ang bagong pasilidad na ito ay makatutulong sa pagbangon sa Samar, lalo na sa sektor ng turismo habang dahan-dahan nating binubuksan ang ating ekonomiya,” sabi ng senador. (PFT Team)

The post Expansion ng Calbayog Airport sa Samar, pinuri ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Expansion ng Calbayog Airport sa Samar, pinuri ni Bong Go Expansion ng Calbayog Airport sa Samar, pinuri ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Mayo 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.