Facebook

Kabayanihan ng PGH medical frontliners pinuri ni Bong Go; parangal isusunod

PINURI at hinangaan ni Senate Committee on Health chair, Senator Christopher “Bong” Go ang medical team at personnel ng Philippine General Hospital dahil sa kanilang patuloy na pagseserbisyo sa mga pasyente sa kabila ng nangyaring trahedya sa ospital sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“I commend the brave medical team of the Philippine General Hospital for their unwavering services and sacrifices to help our country combat the ongoing pandemic,” ang sabi ni Sen. Go.

“I also salute the heroism of the personnel of the PGH, especially those who risked their lives to save their patients during the recent fire incident that hit the hospital,” idinagdag ng senador.

Matatandaang nasunog ang ilang bahagi ng state-run PGH noong May 16, at ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa operating room sa third floor health facility.

Sinabi ni Go na dapat ay agad na mai-rehabilitate ang mga nasunog na bahagi ng PGH, lalo ngayong nahaharap tayo sa pandemya.

Ayon sa senador, irerekomenda niya kay President Rodrigo Duterte na bigyan ng pagkilala at parangal ang medical frontliners ng PGH sa kanilang ipinakitang malasakit at kabayanihan sa nakalipas na nangyaring sunog.

“Dahil sa ipinamalas nilang tapang at malasakit sa kapwa, irerekomenda ko kay Pangulong Duterte na gawaran ng parangal ang medical frontliners bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan,” ayon kay Go.

Umaasa ang mambabatas na ang kabayanihang ito ay maging halimbawa nawa sa lahat ng Filipino na hinihimok niyang sama-samang harapin ang krisis nang may pag-asa hope, malasakit at pag-unawa sa bawat isa.

“Nawa’y magsilbing halimbawa sila sa ating mga mamamayan upang ipagpatuloy ang ating bayanihan,” sabi ni Go.

“Bilang nagkakaisang bansa, sama-sama nating harapin ang krisis nang puno ng pag-asa, pagmamahal, at pagmamalasakit sa kapwa tungo sa mas maayos at maginhawang kinabukasan,” idinagdag ng senador.

Ayon kay Go, nakausap na niya ang pamunuan ng PGH para sa gagawing repair at iba pang kailangang tulong ng ospital.

“Ang importante dito makabalik sa normal ang operation ng PGH. Sabi ko kay Dr. Legaspi na kung ano man ang maitutulong ko ay tutulong kami ni Pangulong Duterte, lalo na po sa mga nasirang kagamitan, equipment nila,” ani Go.

“Importante rin po na walang nasaktan. Alam naman natin sa ngayon, may COVID patients. Sabi po, nalipat sa Sta. Ana Hospital ang twelve na pasyente. Sabi ko, kung anong maitutulong namin, ‘wag silang mag-atubiling lumapit sa opisina,” pahabol ng mambabatas. (PFT Team)

The post Kabayanihan ng PGH medical frontliners pinuri ni Bong Go; parangal isusunod appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kabayanihan ng PGH medical frontliners pinuri ni Bong Go; parangal isusunod Kabayanihan ng PGH medical frontliners pinuri ni Bong Go; parangal isusunod Reviewed by misfitgympal on Mayo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.