Facebook

Patuloy na suporta ng gobyerno sa mga nagbalik-loob na mga rebelde, tiniyak ni Sen. Go

TINIYAK ni Senador Christopher “Bong” Go sa mga dating rebelde at kanilang mga pamilya na patuloy ang suporta ng pamahalaan sa kanila at hindi matitinag ang kanilang commitment na tulungan silang muling makabalik at makihalubilo sa lipunan.

Ang pahayag ay ginawa ni Go sa isang video message niya sa isang relief activity sa bayan ng Calubian, Leyte.

“Sa akong mga kaigsuonan, alam natin na mahirap ang buhay ngayon dulot ng pandemya at sunod-sunod na kalamidad na tumatama sa bansa. Huwag kayo mag-alala. Patuloy lang tayo magtulungan, magbayanihan at magmalasakit sa ating kapwa Pilipino,” ayon kay Go. “Nangangako kami ni Presidente Rodrigo Duterte na walang maiiwan sa laban natin na ito. Hangad ng pamahalaan na magkaroon ng maginhawang buhay ang bawat Pilipino.”

Nabatid na sa nasabing aktibidad ay namahagi rin ang mga personnel ng senador ng pagkain, food packs, vitamins, masks at face shields sa may kabuuang 43 benepisyaryo sa Barangay Villalon covered court.

Binigyan din nila ang mga piling recipients ng mga bagong pares ng sapatos habang ang iba ay pinalad na mabiyayaan ng bisikleta na magagamit nila sa pagbiyahe, ngayong limitado pa rin ang mga pampublikong transportasyon dahil sa COVID-19 pandemic.

Bilang bahagi ng ongoing effort ng national government na tulungan ang mga komunidad sa mga crisis situations, nagkaloob rin ang mga kinatawan ng Department of Trade and Industry ng livelihood starter kits sa bawat benepisyaryo, namigay naman ng financial assistance ang DSWD, gayundin ang TESDA.

Kasabay nito, tiniyak rin ni Go sa mga benepisyaryo na maging sila ay matuturukan rin ng COVID-19 vaccine. “Huwag po kayong mag-alala dahil unti-unti nang dumarating ang bakuna. Inuuna lang ang mga frontliners, senior citizens at adults na may comorbidities. Susunod naman natin ang mga indigent at pababa na ‘yan.”

“Tandaan natin, huwag tayo matakot sa bakuna, matakot tayo sa COVID-19. Ang bakuna ang tanging solusyon upang malampasan natin itong krisis. Ito ang susi para makabalik na tayo sa normal nating pamumuhay,” dagdag pa niya.

Nag-alok din naman ang senador, na siyang chairperson ng Senate Committee on Health, na tulungan ang mga ito kung mayroon silang medical o iba pang health-related concerns, at pinayuhan silang mag-avail ng tulong mula sa gobyerno sa pamamagitan ng malalapit na Malasakit Centers sa lalawigan.

Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop kung saan maaaring mag-avail ang isang pasyente ng medical assistance mula sa DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Sa ngayon mayroon nang kabuuang 113 centers sa buong bansa, kabilang ang sa Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban City, Ormoc District Hospital sa Ormoc City, at ang Leyte Provincial Hospital at Schistosomiasis Control and Research Hospital sa Palo.

Pinasalamatan din naman ng senador ang mga opisyal ng pamahalaan dahil sa patuloy na pagsusumikap na tulungan at panatilihing ligtas ang komunidad.

“Sa mga taga-Leyte, huwag kayong mahiyang magsabi o manghingi ng tulong sa amin dahil trabaho namin ang magsilbi sa inyo. Gagawin namin ang lahat sa abot ng ating makakaya para magbigay ng tulong sa mga nangangailangan at mag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati,” dagdag pa ni Go. (Mylene Alfonso)

The post Patuloy na suporta ng gobyerno sa mga nagbalik-loob na mga rebelde, tiniyak ni Sen. Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Patuloy na suporta ng gobyerno sa mga nagbalik-loob na mga rebelde, tiniyak ni Sen. Go Patuloy na suporta ng gobyerno sa mga nagbalik-loob na mga rebelde, tiniyak ni Sen. Go Reviewed by misfitgympal on Mayo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.