ATING papurihan ang pagsusumikap ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na maiparating sa bawat Filipino ang mga tamang impormasyon sa mga kaganapan sa ilalaim ng pamamahala ng Administrasyong Duterte.
Ito ay dahil nakatakdang gawaran ang PCOO ng award o pagkilala, di lamang iisa kung di pito (7) kabilang ang taguring Media Hero of the Year at Goverment Hero of the Year para sa taong 2021.
Ang pagkilala ay ginawad ng Stevie@ Awards na isang tanyag na ‘business award’ at siya rin nagbibigay ng ‘The International Business Award’ sa loob na ng 19 na taon. Ang kanilang Asia-Pacific Stevie@ Awards ay kaisa-isang pagkilala sa mga maka-bagong paraan na ginagawa sa mga lugar ng negosyo o pinagtratrabauhan ng 29 na bansa sa Asia-Pacific Region.
Ito ang kanilang nakita sa PCOO sa pagbibigay nito ng tunay na serbisyo publiko sa mga Filipino, sa pamamagitan ng paghahatid ng mga impormasyong kapakipakinabang sa gitna ng pagsubok ng panahon.
Mismong si PCOO Secretary Martin Andanar ang ginawaran ng award at pagkilala bilang “Media Hero of the Year” dahil sa mga ginawa nitong mga pagbabago sa kanyang ahensiya, gaya ng Laging Handa Dokyu, Network Brieing News at Public Briefing #LagingHandaPH kahit pa nagsimula na ang pandemya sa COVID-19. Kabilang na dito ang paghahatid ng mga balita at impormasyon tungkol sa virus na nakamamatay.
Sa pagpapasalamat nga ni Sec. Andanar, nabanggit ng ating boss, na ang maraming award na kanya at ng kanyang tanggapan na nakuha ay malaking bagay at inspirasyon sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Ito raw ay patunay sa mandatong iniatang sa ahensiya ng pamahalaan sa pakikipag-ugnayan na tinutupad nito ang kanilang talagang misyon.
Ang ‘The Virtual Presser’ at ‘Virtual Reporting Tour’ (TVP-VRT) ng PCOO ang siya namang nakakuha ng Silver Stevie@ Award para sa mga pagbabago nitong ginawa sa Media, Visual Communications & Entertainment sa ilalim ng kategoryang Awards for Innovation in Product Design and Development. Ang mga nabanggit na programa ng PCOO ay nakatanggap din ng Bronze Stevie@ Awards.
Ang virtual presser ang kaunaunahang nagawa ng PCOO noon pang 2018 bago pa mag-pandemya upang iugnay ang mga polisiya ng pamahalaan sa lokal at international media at mga banyagang manonood.
Ang pormal na pagkilala o awarding sa mga nanalong mga bansa ay gaganapin din sa pamamagitan ng ‘virtual ceremony sa July 14.
Ang 2021 Stevie Award ay ipinangalan sa palayaw na Stevie o salitang Greko na ibig sabihin ay “crown” o korona. Halos 900 na nominasyon sa iba’t ibang bansa sa Asia-Pacific Region ang kinunsidera at sinuri bago ipamigay ang karangalan sa napiling pinaka-mahusay na bansa.
Kudos sa PCOO! Congrats Sec. Martin at sa lahat ng bumubuo ng ahensiya. Mabuhay!
The post Kudos sa PCOO! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: