NASA P2 milyon ang halaga ng mga natangay ng isang kasambahay mula sa pinagtatrabahuhang bahay sa Barangay North Fairview, Quezon City.
Kinilala ang kasambahay na si Maria Suzette Ramirez alyas “Suzy”.
Sa ulat, huli sa CCTV ang pag-alis ng kasambahay nitong Lunes dala ang kaniyang mga gamit at mga kinulimbat.
Dala-dala niya ang alahas, gadgets at pera ng kaniyang mga amo na nagkakahalaga ng P2 milyon.
Tatlong buwan pa lamang na namamasukan bilang kasambahay si Ramirez.
Naaresto si Ramirez sa follow-up operation ng pulisya sa San Luis, Pampanga, sa bahay ng kanyang kasintahan, nitong Miyerkoles.
Natunton si Ramirez dahil sa GPS ng ninakaw niyang tablet. Narekober sa kaniya ang dalawang tablets, 4 singsing na nagkakahalaga ng P1.8 milyon na pagmamay-ari ng kaniyang amo. Pero hindi nabawi ang cellphone at P250,000 cash na kaniyang tinangay.
Inamin ni Ramirez na ninakaw niya ang 2 tablets para ibenta ito, pero wala aniya si-yang kinuhang pera at mga alahas.
Nakipag-ugnayan na ang mga biktima sa agency ng kasambahay at desidido silang magsampa ng kasong qualified theft laban sa magnanakaw na kasambahay.(Boy Celario)
The post Kasambahay nagnakaw ng P2m halaga ng alahas, gadgets huli sa GPS appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: