SINAMPAHAN ng Graft at Administratibo sa Office of Ombudsman ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang tatlong opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 3 at Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa pagkakasangkot sa maanomalyang pag-iisyu ng permits at certificates.
Sa ‘Laging Handa’ briefing, sinabi ni PACC chairperson Greco Belgica na ang kanyang mga kinasuhang opisyal ay sina DPWH Assistant Secretary Antonio Molano Jr., at Environmental Management Bureau directors-lll Metodio Turbella at Lormelyn Claudio.
Ayon kay Belgica, nag-ugat ang kaso sa isang flood control project sa bahagi ng Macolcol sa Zambales na aniya’y punung puno ng katiwalian. (Thony D. Arcenal)
The post 3 opisyal ng DPWH, EMB kinasuhan ng Graft at Administratibo sa Ombudsman appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: