PINASOK sa bahay at pinagsaksak hanggang sa mamatay ang 76-anyos na lola, habang sugatan ang kanyang mister sa San Carlos City, Pangasinan.
Kinilala ang nasawi na si Aurora Peralta.
Nagtamo naman ng sugat sa mukha at braso ang kaniyang mister na si Narciso Bulatao, 85, kapwa residente sa Barangay Bacnar.
Sa ulat, natutulog ang mag-asawa nang pagsasaksakin ng nakatakas na salarin.
Ayon sa mga kamag-anak na kapitbahay lang mga biktima, hindi nila nadinig na nagkakaroon ng kaguluhan o sigaw sa bahay ng dalawa dahil narin sa edad ng mga ito.
Nakita nalang ng isang apo si Bulatao na humihingi ng tulong mula sa bintana.
Pinaniniwalaan na si Peralta ang sadyang pakay ng salarin.
Inaalam ng pulisya kung may kinalaman ang mga bali-balita na pinaghihinalaang mangkukulam si Peralta, bagay na itinanggi ng kaniyang mga kamag-anak.
Mayroon ng person of interest ang pulisya sa krimen.
The post Lolang ‘mangkukulam’ patay sa saksak sa loob ng bahay appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: