Facebook

Katiwalian ng mga Pilipino, nagpapatuloy sa harap ng mas delikadong COVID 19

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Ayon sa Espiritu Santo, iiwan ng marami ang kanilang pananampalataya sa mga huling araw. Hindi na sila makikinig sa mga utos ng Diyos kundi sa mga mapanlinlang na utos at turo at aral ng diyablo…” (1 Timoteo 4:1, Ang Tanging Daan Bibliya).

***

MARAMING MGA PILIPINO NAGPAPATULOY SA KRIMEN SA HARAP NG LALONG BUMABAGSIK NA COVID 29 VIRUS SA MUNDO, LALO NA SA INDIA: Habang lalong nagiging mas nakakahawa at mas mabagsik at mas madami ang namamatay dahil sa Covid 19 virus, sa loob ng isang taon matapos itong unang dumating sa Pilipinas at sa mundo noong 2020 lalo na sa India, tila nagiging mas pursigido naman ang maraming Pilipino sa pagkita sa pamamagitan ng ilegal na droga gaya ng shabu at marijuana, at sa smuggling ng iba’t ibang produkto, pangunahin na ng sigarilyo.

Sa mga ulat na tinanggap ng Kakampi Mo Ang Batas noong umaga ng Abril 29, 2021, naiulat ang pagtatangka ng ilang mga tiwaling tao sa iba’t-ibang lungsod at bayan na magtulak ng milyon-milyong ilegal na droga, gaya ng shabu, marijuana, at mga kontrabandong sigarilyo.

Ayon sa mga ulat na ito, ang pagkakasabat ng mga autoridad ng halos P8 milyong shabu sa Maguindanao at Tawi-tawi, sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mga sangkot sa pagtutulak ng nasabing ilegal na droga.

Sa kaso naman ng marijuana, naiulat din ng media ang pagkakahuli ng limang tao sa Bulacan, habang dala-dala ang halos walong milyong pisong halaga din ng ipinagbabawal na halaman. Ayon sa Philippine National Police sa Malolos City, Bulacan, ang grupong kanilang nahuli ay kasama sa isang sindikatong siyang nagtutulak ng marijuana at ng iba pang ipinagbabawal na gamot sa Bulacan at Pampanga.

Animnapu’t walong kilo ng tuyong dahon ng marijuana ang nasamsam sa mga nahuling limang katao, dagdag pa ng PNP Bulacan. Inihahanda na ng mga autoridad ang kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002. Samantala, sa Zamboanga City, nakasamsam din ang mga pulis ng pitong milyong pisong halaga ng mga kontrabandong sigarilyo mula sa isang katig na iniwan ng mga may-ari nito noong matugunan ang pagdating ng mga pulis.

***

MGA BANGKAY NG COVID 19 VICTIMS, SA MGA BAKURAN NA LANG SINUSUNOD SA INDIA: Binabanggit naman sa mga ulat na natanggap ng Kakampi Mo Ang Batas na ang mga tinamaan ng Covid 19 sa India ay posibleng nahawa ng virus dahil sa kanilang malawakang pagdalo sa isang kilalang religious festival na tnatawag na Kumbh Mela, sa hilagang bahagi ng India. Sinisisi din ng mga manggagamot sa nasabing bansa ang pagluluwag sa mga health protocols ng mga tao, sa kanilang pagdalo sa Kumbh Mela religious festival.

Hindi din ina-alis ng mga duktor sa India ang katotohanang ang tumama sa mga kaniyang mga mamamayan ay yung mga mas makamandag at mas delikadong variants o mutation ng orihinal na Covid 19 virus, kaya naging madali ang pagkakahawa-hawa nila.

Lumilitaw na ang napakaraming mga namamatay na mga Bombay sa bansang India sa ngayon ay naging biktima ng mga bagong uri ng Covid 19 virus.

Ayon sa mga autoridad ng India, maraming mga lugar doon ang ngayon ay tila nababalot na ng mga usok mula sa mga bangkay ng mga hindi nakaligtas sa bagong variants ng Covid 19 na sinusunog na lamang. Naalarma naman ang mga mamamayang Bombay ang tawag dahil sa posibleng mikrobyong dala ng mga sinusunog na mga katawan ng mga taong namatay sa Covid 19.

Ang pagsusunog kasi ng mga namatay sa Covid 19 sa India ay sa mga bakuran na lamang ginagawa, gamit ang mga tuyong kahoy. Sa isang larawang nakarating sa Kakampi Mo Ang Batas, nakikita ang maraming mga kumpol ng mga kahoy na pinanggagatong sa mga sinusunog na mga bangkay, habang nakamasid naman ang mga taong naka-suot ng unipormeng puti.

***

REAKSIYON? TANONG? Tawag o text na: 0947 553 48 55. Email: batasmauricio@yahoo.com.

The post Katiwalian ng mga Pilipino, nagpapatuloy sa harap ng mas delikadong COVID 19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Katiwalian ng mga Pilipino, nagpapatuloy sa harap ng mas delikadong COVID 19 Katiwalian ng mga Pilipino, nagpapatuloy sa harap ng mas delikadong COVID 19 Reviewed by misfitgympal on Mayo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.