Facebook

Bong Go: Kalusugan, kaligtasan ng mga estudyante, guro ikonsidera kapag ibinalik ang face-to-face classes

IGINIIT ni Senator Christopher “Bong” Go na dapat na maingat na ikonsidera ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at non-teaching personnel sa mga paaralan kapag nagdesisyon ang mga kinauukulan na muling ibalik ang face-to-face classes.

Ayon sa senador, ang kaligtasan ng bawat isa sa mga paaralan ay dapat na maunang prayoridad ng pamahalaan.

“‘Di pa naman sigurado ‘yan opening of classes dahil for approval pa po ‘yan ng IATF (Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases),” sabi ni Go sa ambush interview.

“Ako naman po, ‘wag po tayo masyadong magmadali. Bigyan natin ng konting espasyo ang ating mga guro dahil mahirap po sa panahong ito ‘pag meron pong nagpositibo na isang guro o estudyante ay mahihirapan na naman tayo sa contact tracing dahil naka-focus ngayon sa pagbabakuna,” dagdag niya.

Anang mambabatas, hindi siya pabor sa pagsasagawa ng face-to-face classes hanggang hindi nararating ng bansa ang herd immunity sa pamamagitan ng pagbabakuna.

“So, iwasan po natin na may magkahawaan. Bigyan muna natin ng konting space ang mga guro na makapagpahinga o makapag-adjust muna dahil alam nating hirap na hirap sila sa pag-aadjust sa ating new learning system,” iginiit ni Go.

“Ako naman po, ‘di rin ako sasang-ayon sa face-to-face classes hanggat ‘di nababakunahan ang majority ng population. Alam naman natin na may new strain ng virus… So, unahin natin ang kalusugan ng bawat bata, bawat Pilipino before anything else,” aniya.

Balak ng Department of Education na masimulan ang susunod na school year sa August 23, nangangahulugan na mas umiksi ang bakasyon ng mga estudyante sa 6 linggo kumpara sa karaniwang 2 buwan noon.

Hinilin ni Go sa DepEd at concerned authorities na gawin ang lahat ng posibleng maganda at mabuti sa blended learning system habang bawal pa ang face-to-face classes.

“Kawawa naman po mga bata, napi-pressure po ‘yung bata, malaking epekto po iyon sa kanila. Ang importante po, walang masayang na taon. Ang importante po matuto sila,” ani Go. (PFT Team)

The post Bong Go: Kalusugan, kaligtasan ng mga estudyante, guro ikonsidera kapag ibinalik ang face-to-face classes appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: Kalusugan, kaligtasan ng mga estudyante, guro ikonsidera kapag ibinalik ang face-to-face classes Bong Go: Kalusugan, kaligtasan ng mga estudyante, guro ikonsidera kapag ibinalik ang face-to-face classes Reviewed by misfitgympal on Mayo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.