Facebook

Pagpapatrulya sa West PH Sea ng PCG at BFAR tuloy – Sec. Lorenzana

MAGPAPATULOY ang isinasagawang pagpapatrulya ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa West Philippine Sea.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at pagtanggi na mayroon silang ‘di pagkakasundo ng patakaran ng Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng pananakop ng China sa karagatang nakapaloob sa Exclusive Economic Zone ng Bansa.
Ayon kay Lorenzana na maliwanag, matatag at ‘straigth forward’ ang direktiba ng Pangulo na ipagtangol ang soberenya ng bansa.
“Defend what is rightfully ours without going to war and maintain the peace in the seas. Yung nagsasabi na hindi kami align ng Presidente, let me clarify that my pronouncements echo the stand of our President and Commander in Chief,” ani Lorenzana.
Sinabi ni Lorenzana na mananatili ang ating kooperasyon sa China sa iba’t ibang larangan na makakabuti sa sambayang Filipino.
“We can be cordial and cooperative with other nations but not at the expense of our sovereignty and sovereign rights,” saad ni Lorenzana.
Iginiit ni Lorensana na magpapatuloy ang pagsasagawa ng maritime patrol sa West Philippine Sea at Kalayaan Group of Island ng PCG at BFAR.
Magugunita na nanawagan si Chinese Foreign Ministry sa bansa na itigil na ang isinasagawang maritime exercise sa South China Sea dahil sa posibleng paglala ng tensyon sa nasabing lugar. (Mark Obleada)

The post Pagpapatrulya sa West PH Sea ng PCG at BFAR tuloy – Sec. Lorenzana appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagpapatrulya sa West PH Sea ng PCG at BFAR tuloy – Sec. Lorenzana Pagpapatrulya sa West PH Sea ng PCG at BFAR tuloy – Sec. Lorenzana Reviewed by misfitgympal on Mayo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.