
NAUWI sa gulo ang isang konsultasyon kaugnay ng Anti-Covid-19 information caravan sa bayan ng Irosin, Sorsogon nitong Biyernes.
Ito’y matapos umanong sabuyan ng tubig ni Sorsogon 1st District Representative Ed Atutubo si Municipal Councilor Salome Navales.
Nag-ugat ang kompronta-syon nang magkasagutan ang dalawa kaugnay ng layunin ng information caravan.
Tanong kasi ng konsehala kung may iba pang paraan para huwag nang ituloy ang information caravan sa kanilang bayan lalo pa’t mga menor de edad partikular ang mga nasa 10-17 taon gulang ang target na mabigyan ng imporma-syon kontra Covid-19.
Giit ni Atutubo, ang isinasagawa nilang information caravan ay alinsunod sa Executive Order Number 12 na ipinalabas ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero nitong May 3 kungsaan iniuutos ang pagbuo ng Covid-19 task force on information dissemination para mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataan sa probinsiya sa mga dapat gawin para maiwasan mahawaan o makahawa ang Covid-19.
Ayon kay Atutubo, walang katotohanan ang alegasyon na sinabuyan niya ng tubig ang konsehala. Lumapit lang siya rito para ipakita ang mga larawan ng ilang residente sa bayan na hindi sumusunod sa mga ipinapatupad na health protocols, at aksidente uma-nong natapon sa damit ng konsehala ang tubig sa hawak ni-yang bottled water.
Pero hindi nagtapos ang kaguluhan nang muling suntukin umano ni Atutubo ang municipal administrator naman ng bayan na si Lorenzo Ubalde.
Ayon kay Ubalde, tinapik niya sa balikat ang kongresista at sinabihang ang pangit ng ugali nito. Pero bigla nalang daw siyang sinuntok ni Atutubo.
Aminado sa panununtok si Atutubo pero hindi raw siya ang naunang nanuntok.
Paglilinaw ni Atutubo, walang kinalaman sa maagang pamumulitika o pangangampanya ang isinasagawa niyang information caravan kaya walang dahilan para kwestiyunin ang layunin ng caravan.
Nagkaayos na umano sina Ubalde at Atutubo, habang ipina-blotter at ipinaabot na ni Navales sa DILG ang pangyayari.
Hindi pa makadesisyon ang Sangguniang Bayan kung itutuloy parin ang pagsasagawa ng information caravan matapos ang pangyayari.
The post Kongresista nanuntok at nagsaboy ng tubig sa LGU officials sa Sorsogon appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: