Facebook

PULIS ADIK SA ONLINE SABONG NANGHOLDAP NG LBC

ARESTADO sa hot pursuit operation ng mga otoridad ang aktibong pulis na nangholdup sa isang sangay ng LBC sa bayan ng San Miguel, Bulacan.
Kinilala ang naaresto na si Corporal Moises Yango, 29 anyos, nakatalaga sa Quezon City Police District, at residente ng Camp Karingal, Sikatuna Village, Quezon City.
Sa report ni Police Lt. Colonel Omar Fiel, 3:30 ng hapon nang madakip si Yango sa ta-pat ng isang sangay ng LBC sa Barangay Poblacion, San Ildefonso, Bulacan na plano nitong holdapin.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang San Miguel Police Station hinggil sa kinaroroonan ni Yango, kung saan agad inalarma ang holdaper, na naka-bonnet, lulan ng motorsiklo na walang plaka, na una nang nangholdup sa LBC sa Brgy. Camais 1:00 ng hapon nitong Lunes.
Nakuha mula kay Yango ang isang hand grenade, isang caliber 9mm pistol, PNP ID, driver ‘s License, ATM cards, at P5,000 na natangay mula sa LBC.
Napag-alaman na sugapa sa online sabong si Flores at baon sa utang kaya umano naisipan nitong mangholdap.
Detenido ngayon si Yango sa San Ildefonso Municipal Jail.
(Thony D. Arcenal)

The post PULIS ADIK SA ONLINE SABONG NANGHOLDAP NG LBC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PULIS ADIK SA ONLINE SABONG NANGHOLDAP NG LBC PULIS ADIK SA ONLINE SABONG NANGHOLDAP NG LBC Reviewed by misfitgympal on Mayo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.