
NALAMBAT sa isang entrapment operation ang pinuno ng quarry division ng Tarlac City noong Lunes, tatlong araw matapos ireklamo ng umanoy extortion sa Anti-Red Tape Authority (ARTA).
Matapos matanggap ang reklamo, ang ARTA kasama ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)- Tarlac at Tarlac City Police Station ay nagkasa ng entrapment operation. Ang pinagsanib na operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng isang nagngangalang Pedro Soliman II sa Tarlac City Hall bandang ala-una ng hapon.
Lumilitaw sa imbestigasyon na isang pribadong mamamayan ang humingi ng tulong mula sa ARTA noong Biyernes, May 21.
Ayon sa complainant, siya ay nagtungo sa Tarlac City Hall upang magbayad ng P42,000 para sa booklets of delivery receipts, na isang requirement sa pag-operate ng quarrying firm.
Sinabihan siya ni Soliman na magbayad ng P10,000 kada natapos na booklet o kabuuang P240,000 bilang kapalit ng kanyang Tarlac City quarry clearance.
Hiniling ng complainant kung puwede siyang magbayad ng three installments sa halagang P80,000 bawat isa at agad namang sinangayunan ni Soliman at inutusan ang complainant na magpaunang bayad noong Lunes, May 24, 2021.
Makaraang ibigay ng biktima sa suspek ang entrapment money, agad itong inaresto ng pinagsanib na elemento ng ARTA, CIDG-Tarlac at Tarlac CPS.
Binati ni Secretary Jeremiah Belgica, ARTA Director General ang CIDG-Tarlac dahil sa mabilis nitong ginawang pagkilos sa kaso.
“We thank ARTA-CIDG-TARLAC CPS TEAM for the prompt action following a complaint of extortion in Tarlac City Hall,” ayon sa isang pahayag niya noong Lunes.
“Your immediate response to a complaint by… a citizen in distress, demonstrates your commitment to service and the Filipino people. Carry on!” Dagdag pa nito.
Si Soliman ay nasa kustodya na CIDG-Tarlac.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 21 of Republic Act 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 at Joint Memorandum Circular 2021-01 o ang suspensyon ng pagkulekta ng mga iligal na kabayaran at buwis sa transport of goods and products.
Isinailalim sa inquest proceedings nitong Martes ng umaga ang nalambat na suspek. (ANDI GARCIA)
The post Hepe ng Tarlac task force quarry, swak sa entrapment operation ng ARTA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: