Facebook

Metro Manila Mayors pinabulaanan ang bentahan ng COVID-19 vaccine slots

MAGPUPULONG ang Metro Manila Mayors ngayong linggo para pag-usapan ang mga reports na bentahan ng mga slots sa vaccination program ng gobyerno.

Ayon kay Metro Manila Council Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang pagbebenta ng COVID-19 vaccines ay ilegal dahil ito ay binili ng gobyerno para ibigay ng libre sa mga qualified citizens.

Maging ang Food and Drug Administration aniya ay hindi inaprubahan ang marketing o pagbebenta ng doses ng mga bakuna.

Batay sa report, ang mga bakuna ay ibinebente sa halagang P10,000 hanggang P15,000, depende sa brand ng bakuna.

Nagbabala naman si Olivarez sa mga mahuhuling nagbebenta ng slot at bakuna na tiyak na masasampahan ng karampatang kaso.

Samantala, hinihimok naman ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa mga napapaulat na bentahan ng slot at bakuna kontra COVID-19.

Samantala mariin namang pinabulaanan ng mga lokal na pamahalaan na mayroon silang kinalaman sa nagaganap na pagbebenta ng vaccine slots sa ilang mga lungsod sa Metro Manila.

Ito ay matapos na mapaulat na aabot sa halagang P12k hanggang P15K ang halaga ng bentahan ng mga slots para sa pagbabakuna sa ilang mga lokalidad.

Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, imposible kasi na maibenta ang mga vaccine slots dahil kailangan kasi magparehistro online para mabakunahan.

Kaugnay nito, nanindigan naman si San Juan City Mayor Francis Zamora na walang nagaganap na bentahan ng vaccine slot sa kanilang lungsod.

Gayunman, sinabi naman ni Parañaque at Metro Manila Council (MMC) Chairman Edwin Olivarez na wala pang matibay na ebidensya sa ngayon na mayroong nagaganap na bentahan ng vaccine slot, at mahigpit nilang iimbestigahan ang nasabing ulat.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.

Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, lunes miyerkules at biyernes 12:00noon-1:00pm sa DWXR 101.7 FM kalahi- Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!

The post Metro Manila Mayors pinabulaanan ang bentahan ng COVID-19 vaccine slots appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Metro Manila Mayors pinabulaanan ang bentahan ng COVID-19 vaccine slots Metro Manila Mayors pinabulaanan ang bentahan ng COVID-19 vaccine slots Reviewed by misfitgympal on Mayo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.