Facebook

Eleazar, suportado!

SA kasaysayan ng Pambansang Kapulisan ay wala pang naluklok na pinuno ang hindi umani ng pagbatikos sa mga unang araw pa lamang nito sa pwesto.

Ang problema, may mga pumapabor at mayroon din namang tumututol sa “choice” ng pangulo ng bansa sa pagkahirang nito sa mamumuno ng kanyang kapulisan.

Ngunit malaki ang pagkakaiba talaga ng kaganapan sa pagkapagtalaga ni Presidente Rodrigo R. Duterte kay Lt. General Guillermo T. Eleazar para pamunuan ang 220,000 na opisyales at kagawad ng PNP.

Nagkakaisa kapwa ang administrasyon at maging ang mga kritiko na wasto at makatwiran lamang na maging PNP Director General si Eleazar na may katumbas na apat na estrelya sa kanyang balikat.

Buo ang tiwala ng mga malalaking personalidad sa larangan ng pulitika kay Eleazar kabilang dito sina Senador Tito Sotto, Panfilo Lacson, Ronald “Bato” Dela Rosa at iba pa.

Maging ang palasyo ay nagpahayag din ng malaking kumpiyansa na magiging mahusay na PNP chief si Eleazar.

Ilang araw lamang ang nakararaan inianunsyo naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang kanyang suporta kay Eleazar sa inilunsad nitong “E-Sumbong: Sumbong Mo, Aksyon Ko” system ng Philippine National Police (PNP).

Sa ilalim ng sistemang ito ay mapapabilis ang pag-uulat ng anumang uri ng krimininalidad sa pakikipagtulungan ng concerned sector ng lipunan at paggamit ng SMS hotlines, social media, email ay QR scanning systems.

“We support the initiatives taken by PNP Chief Eleazar to effect the change we want to see in the PNP,” ang pagdidiin Sec. Año.

“We developed e-Sumbong because we want citizens to play an active role in crime prevention and solution and in ridding the police organization of misfits and scalawags. Siguraduhin po nating ang irereport natin dito ay totoo at hindi panloloko dahil baka kayo naman ang magkaroon ng asunto,” ani Año.

Noon pa mang hepe pa lamang si Eleazar ng Quezon City Police District ay naglunsad na rin ito ng ganitong uri ng network para sa mabilis na pagbibigay ng impormasyon ng mga mamamayan sa kapulisan.

Napatunayan namang naging epektibo noon ito para bakahin ang kriminalidad. Hanggang sa Region 4A (Calabarzon) at National Capital Region Police Office (NCRPO) ay may mga sistemang ipinatupad din si Eleazar na mabisa at epektibo sa pagsupil sa mga kriminal at masasamang elemento ng lipunan.

Naipakita ni Eleazar na napaka-epektibo ng ‘E-Sumbong’ – sa QCPD, PNP R4 A at NCRPO pagkat ang mga ulat na ibinabato sa kapulisan ay nagmumula sa taumbayan kaya ang resulta, tagumpay ang anti-crime drive ni Eleazar sa tatlong nabanggit na police organization na kanyang pinamunuan.

Ito ang naging daan para lalong makilala si Eleazar at gawaran ng pagkilala at papuri ng PNP hierarchy.

Tinitiyak na higit na magiging epektibong ang E-Sumbong laban sa sindikatong kriminal at iba pang iligalista pagkat ipinadadala ang impormasyon sa pamamagitan ng computer system mula sa ibat-ibang sulok ng bansa.

Ang maganda pa, wala nang human intervention dahil ang mga sumbong o reklamo ay kaagad na ibinabato, pinadadala ng computer system sa mga concerned region, province, city o municipal police station.

Gamit ang makabagong teknolohiya ay mabilis na magagamit ng kapulisan ang ibinabatomg impormasyon kaya mapadali din ang aksyon ng nakatalagang PNP units.

Ito ay magsisilbing sumbungan pagkat ang sinuman ay malayang makapagbabahagi ng kanilang impormasyon laban sa mga iligalista at maging sa ilang police scalawag, mga tauhan at opisyales ng gobyerno.

Noon pa man ay subok na ni Eleazar ang sistemang ito ng information network para sa pagsugpo ng kiminalidad, kaya kung nagawa na niya ito noon ay lalo pang nitong magagawa at mapagbubuti ngayon.

Ayon pa kay Eleazar, kailangan mga lamang ay ang masusing pakikipagtulungan sa pagitan ng mamamayan at kapulisan para magtagumpay ang PNP sa kanilang vision and mission.

Maaring ipadala ang mga ulat o reklamo sa mga sumusunod: SMS: 0919601752; 09178475757;Social media accounts: facebook.com/ OfficialPNPhotline Email:  e-sumbong@pnp.gov.ph;Web portal: https://ift.tt/3olM7gp.

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com

The post Eleazar, suportado! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Eleazar, suportado! Eleazar, suportado! Reviewed by misfitgympal on Mayo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.