Facebook

Galaw-galaw puso’y pipintig!

HINDI man halos makalabas ng bahay dulot sa ipinaiiral na HEALTH PROTOCOL laban sa COVID-19 PANDEMIC ay galaw-galaw ng katawan ang dapat laging isagawa upang puso ay magpatuloy sa pagpintig na kampanyang isinusulong ng PHILIPPINE HEART ASSOCIATION (PHA).

Sa isinagawang 51st ANNUAL CONVENTION AND SCIENTIFIC MEETING VIRTUAL ng PHA na may temang “NEXT LEVEL STRATEGIES” o ang “USAPANG QUARANTINE MAG-DAMOVES PARA SA PUSO” ay nakasentro sa programa nila ang kahalagahan ng PHYSICAL FITNESS o EHERSISYO kahit nasa loob lamang ng pamamahay.

Nitong May 25 isinagawa ang monthly PHA Usapang Puso sa Puso (UPP) Episode 9 via Zoom at Facebook Live ay pinangunahan nina Drs. LUIGI PIERRE SEGUNDO at Dr. DON ROBESPIERRE REYES gayundin sina PHA PRESIDENTS Dr. RAUL LAPITAN, Dr. NANNETTE REY.., na ang CELEBRITY GUESTS naman ay sina JIM at TONI SARET ng Fit FMovement (FFM) bilang pagsesentro sa kahalagahan ng ehersisyo para sa ating puso.

Nadiskubre ng Amerika at ng ibang mga bansa na ang malaking porsiyento ng mga namamatay sa COVID-19 ay pawang nagtataglay ng “co-morbidities” o mayroong mga respiratory diseases, hypertension at diabetes.., na ang pinakamarami sa mga namamatay sa buong mundo (siyempre kabilang ang bansa natin) ay mga nagtataglay ng CARDIOVASCULAR DISEASE (CVD).

Dalawang dekada na ang ginagawang pagsisikap ng PHA upang masolusyunan ang CVD o mga sakit sa puso at mga daluyang-ugat tulad ng heart failure, heart attack, deep vein thrombosis and polmunary embolism, hypertension at stroke.

Kaya naman, ang 51st Annual Convention virtual ng PHA na ang mga programa ay pinasimulan nitong May 25 at magtatapos bukas May 28 ay nakasentro sa pagpapahalaga ng ehersisyo at wastong pagkain partikular sa mga matatanda at mga batang edad gayundin ng mga buntis upang mapanatili ang kalakasan ng kanilang resistensiya.

Sa naturang virtual convention ay ibinahagi ni DR. NANNETTE REY na isang CARDIOLOGIST-ELECTROPHYSIOLOGIST ang benepisyo ng FIT HEART MINUTE (FHM) tulad halimbawa ng 10x push-ups, squats, jumping jacks, galaw-galaw ng mga braso na mga ehersisyong magagawa sa loob ng bahay. Ipinunto nito na ang isang minuto sa bawat oras para sa paggalaw-galaw ng katawan ay malaking katulungan para sa HEALTHY HEART CARE.

Si Dr. RAUL LAPITAN na siyang architect ng CPR ON WHEELS & WINGS (CCW) CAMPAIGN ay tinalakay naman nito ang “SCIENCE BEHIND THE 10K STEPS” para maiwasan ang CVD at COVID. Ito ang isinulong niya sa kaniyang pagiging PHA PRESIDENT noong 2017 hanggang 2018.., na, ang paglalakad ang pinakamadaling paraan para sa pag-eehersisyo.

Kaya mga ka-ARYA.., halimbawang pupunta kayo sa grocery o sa palengke na ang distansiya e 500 meters e huwag na po kayong sasakay ng tricycle kundi maglakad na lamang dahil ehersisyo pa sa katawan natin at ang punto nga ni Dr. LAPITAN ay kailangang 10x na naihahakbang natin ang ating mga paa.., nakatipid ka na sa pasahe e mababawasan pa ang taba-taba o yung mga lumba-lumba e mababawasan pa ang sukat ng kanilang katawan higit sa lahat magtataglay tayo ng HEALTHY HEART.

Tulad ko, ako ang namamalengke sa bahay namin 2-beses sa loob ng isang linggo na ang distansiya mula sa bahay namin hanggang palengke ay mahigit 2 kilometro kaya mahigit 4 kilometro balikan o mahigit 8 kilometro kada isang linggo dagdag pa ang pag-akyat sa footbridge para makatawid sa kalsada ay masasabi kong napapalakas ang resistensiya ng katawan ko na bago magtapos ang taong ito ay señor citizen na rin ako.., pero kayang-kaya ko pang makipagsabayan sa mga taga-probinsiya para sa malalayuang paglalakad kahit sa mga kabundukan.

Balik tayo sa okasyon ng PHA.., sa ngayon ay may 2,000 CARDIOLGISTS MEMBERS na ang PHA na nagdiriwang sa kanilang 69th year at 51st year na pagsasagawa ng annual convention and scientific meeting at ang CELEBRITY GUESTS na mag-asawang SARET ay ikakampanya naman nila ang PHA ADVOCACY PROGRAMS para mapanatili ang kalusugan at healthy hearts.

Ika nga, huwag iwasan ang PHYSICAL FITNESS maging ano man ang edad para huwag matulad sa mga imbalido o nabubuhay nga subalit hinde naman naigagalaw ang buong katawan… ugaliin ang paglalakad.., kung aakyat sa 2nd floor ay huwag nang mag-elevator kundi maghagdanan na lamang para foot exercise pa…, GALAW-GALAW PUSO’Y PIPINTIG PARA HUWAG MA-STROKE NGAYONG PANAHON NG QUARANTINE LOCKDOWN!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Galaw-galaw puso’y pipintig! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Galaw-galaw puso’y pipintig! Galaw-galaw puso’y pipintig! Reviewed by misfitgympal on Mayo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.