
MULING nagtama ang landas ng magkaribal na Sen Drilon at Bongoloid sa isang virtual Senate session. Tumayong muli ang batikan at walang binesang alalay ni Totoy Kulambo sa plenaryo ng Senado upang magharap ng panukalang batas na pumasa sa kabilang bahay ng Kongeso na magbibigay daan sa “renationalization” ng labing-limang pagamutan sa bansa.
Tila naulit ang unang paghaharap kung saan bitbit ni Bongoloid ang isang tambak na balalay na magbibigay sa kanya ng mga babanggitin para sa panukalang batas. Tulad ng dati, nariyan sa harap ang Bigman ng Senado upang salain ang panukala. At talagang totoo ang kasabihan, muling naulit ang kasaysayan ng walang maisagot si Bongoloid sa mga tanong ni Bigman sa panukalang batas na ihinahain.
Tila nabantilawang sinaing na hindi pinag-aralan ang panukala at ibig ipahinto ang interpelasyon at daanin sa dami ng kakampi at ipasok sa botohan ang panukalang batas kahit hindi pa napag-uusapan o napagdebatehan. Wow gustong i-shortcut ang pagpasa ng panukalang batas at gumawa ng sariling rules! Ano bang meron dito sa batas na hinahain? O sadyang nagandahan sa bersyon ng mababang kapulungan at inendorso sa Senado ng ganoon na lang at walang pag-aaral. Pwede ba yon, eh may Bigman ang Senado.
Sa kanaisang makapuntos para sa biglaang pangarap sa darating na halalan, iniharap ang panukalang batas sa mataas na kapulungan na nakalimot sa proseso ng pagpasa ng batas. Dahil hindi nakasanayan ang usapang may-isip at daanin sa lapit sa puno ng Balite ng Malacanan. Ayun ang masakit ang Bigman mula sa Iloilo, ang kumilatis at nagnais na linawin ang ilang puntos hingil sa panukalang batas.
Katulad ng dati nataranta ang balalay ni Totoy Kulambo na hindi masagot ang mga katanungang ibinato hinggil sa panukalang batas. Ang masaklap, kahit isang damakmak ang mga balalay nito, walang tamang tugon ang maibato at tila nawala sa wisyo at ‘di malaman kung anong batas ang sinasabi ni Bigman.
Sa mahabang panahon na lulubog lilitaw si Bongoloid sa Senado, mukhang hindi na kilala ni Londri at muling bininyagan este kinumpilan este tinanong sa ‘di pinag-aralang panukalang batas na nagmula sa kabilang bahay ng Kongreso. Ayun, inabot ng indulto ng tanungin hinggil sa LGU code, at sinundan ng Mansanas Law este Mandanas Law na lalong nagpahirap dito.
Meron o wala bang konsiderasyon sa mga batas na binanggit ang ihinahain na bagong panukalang batas? Ang batid ni Bongoloid, kailangan ayudahan at magdagdag ng bed capacity ang mga pagamutan sa bansa, lalo sa panahon ng pandemya. Eh ang masama, yun lang ang alam kaya’t sa pagtatanong ni Londri nanganak pa ito at nadagdagan ang mga senador na nais pang linawin ang ilang probisyon sa panukalang batas.
Hayun, nabisto ang kabobohan, at ninais na itigil ang interpelasyon at pagbotohan na ang ihinaing batas. Ibig daanin sa lakas at dami ng kakampi ang butas este ang batas para makapuntos. At gusto ipalabas na hinaharang ang panukalang batas kahit ito ang kailangan sa kasalukuyang panahon. Ang ‘di masagot na katanungan, sa iba nais ikulay ang kahinaan, basta gumanda lang ang imaheng Bongoloid. Eh ‘hindi nakalusot! Butata!
Manipis ang paraan ni Bongoloid sa pagpapabango, at ginagamit kung ano ang meron, walang pasubali kung tama o mali ang ginagawa, walang paki sa mga lalabagin na batas, walang iniisip kung sino at ano ang sasagasaan, walang institusyon institusyon, gagawin ang lahat para pumogi ang Bongoloid ng Davao. Walang ipinagkaiba sa kanyang among tulugin. Balewala kay Bongoloid kung sino at saan gagawin ang nais, ang sa kanya dapat matupad ito kahit sa anong paraan.
Mabuti’t nariyan ang Bigman ng Senado na tumayo upang himayin ang batas na tila sasagasa sa iba pang batas na nariyan. Hindi napaikutan at lalong hindi nasindak kahit malapit kay Totoy Kulambo, ang nagpapanukala. Ang sa kanya’y ayon ba ito sa batas at hindi tatama sa mga kasalukuyang batas na mayroon na ang bansa.
Sa pagsasala ni Londri sa hinaing batas, bahag ang buntot ni Bongoloid at inakalang kayang paabutin ang panukalang batas sa botohan kayat naglakas loob ito na ipahinto ang interpelasyon dahil hindi masagot ang mga tanong. Hayun, hay naku, dumami pa ang senador na kikilatis at magtatanong upang malaman ang labas pasok ng batas. Masuwerte pa siya, at may mga suspensyon at naroon si SP Titi Sotto, at na reschedule ang renationalization.
Sa totoo lang, talagang kulang na kulang sa kahandaan si Bongoloid sa kaalaman sa mga batas at sablay ang mga panukalang batas na inihahain nito. Hindi ito makatayo ng walang sandamukal na balalay, na tulad nito na walang lilim ang pagkatao. Ang pagiging alalay ang kagalingan ni Bongoloid at naging mapalad ito ng mahalal sa Senado, kawawa si Mang Juan.
At kung lalagpas pa ito at mahalal ng mga boboto, tinitiyak na pupulutin ang bansa sa putikan na tuluyang lulubog ang kabuhayan. Pasalamat kay Londri, panahon na malapit na ang halalan na gumigiri na ang Inferior Davao Group (IDG) ng balatan ang pagkatao ng pambansang balalay sa kawalan ng kaalaman sa batas. At sa pangyayari, tila natunaw ang pangarap nito sa panguluhan at mawawala ito sa listahan ng mga posibleng kandidato ng IDG. Malinaw na sa kangkungan dadamputin. At sa ’22 kung may pagkakataon, sasama ito kay Totoy Kulambo kung lilisan na sa bansa. At kung hindi, sasama ito kay Supremo sa Silent Majority ng Senado hangang makatapos ng termino.
Kay Mang Juan, maging alerto sa mga kaganapan sa ating bansa. Hindi masama ang magtanong at mag-usisa kung may kaganapan sa kapaligiran. Malinaw na maglalabas ng sagot kung sino ang may mga gawaing pambayan kuno. At huwag isiping utang na loob ito sa mga politikong nagnanais na mapanatili ang pwesto. Salapi ng bayan ang ginagastos sa mga proyekto at karapatan natin na malaman ang detalye ng proyekto.
Huwag magpatali sa mga ito, hindi bobo ang pagtatanong bagkus ito ang senyales ng ating kamulatan. Lumabas sa kaisipang utang na loob, pera mo ito. Huwag matakot kung malapit man yan sa kung kanino, tularan ang Bigman ng Senado.
Si Londri, ang Bigman ng Senado, at si Bongoloid ang Row 4 ng Senado…
Maraming Salamat po!!!
The post Go Drilon Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: