
PINURI ng isang mambabatas ang pagkukusa ng pribadong sektor na tumulong sa pamahalaan na labanan ang pandemyang ng Covid-19.
Sa kanyang privileged speech nitong Lunes, malugod na binati ni San Jose Del Monte City Representative Florida “Rida” Robes ang pribadong sektor sa mahalagang kontribusyon sa paglaban sa Covid-19.
Partikular niyang binanggit ang programang ‘Ingat Angat Bakuna sa Lahat’ na pinangunahan ng mahigit 100 pribadong kompanya sa bansa na humihimok sa mga Pilipino na magpaturok ng bakuna upang makamit ang kawan ng kaligtasan sa sakit.
“Members of the Ingat Angat Bakuna sa Lahat program include some of the country’s leading brands in retail, fastfood chains, hospitals and other medical establishments, food manufacturing and media outlets, among others. Noting of the still pervading hesitancy of many Filipinos in getting Covid-19 vaccines, the group is rolling out an all-media campaign to promote vaccination. The group will use all their stores and outlets to promote vaccination as well as all media platforms to encourage people to get vaccinated,” pahayag pa ni Robes.
Sa ilalim ng inisiyatibang pinangunahan ng pribadong sektor, ang lahat ng lalahok ay hindi lamang magtataguyod ng pagbabakuna kundi gagamitin nila ang kanilang establisimiento upang hikayatin ang publiko na magpabakuna. “Mall owners of SM and Ayala, who are part of the group have also committed to use their spaces as vaccination sites to make vaccination more comfortable and accessible especially to senior citizens and those with co-morbidities. They are also offering discounts to all those who have been vaccinated,” ipinunto pa ng mambabatas.
Nagpahatid din siya ng lubos na pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa National Task Force for Covid-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na kapuwa walang kapaguran sa pakikipagtulungan sa mga pribadong sektor upang labanan ang Covid-19.
The post INGAT ANGAT BAKUNA SA LAHAT NG PRIBADONG SEKTOR SA PAGLABAN SA COVID-19 PINURI NI ROBES appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: