Facebook

“Walang special treatment kay Alice Dixson!” — Isko

WALANG iregularidad o special treatment na nangyari sa pagbabakuna sa movie at television actress na si Alice Dixson.

Ito ang pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno, matapos na makatanggap ng ulat mula kay Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla, na nagsasabing mismong ang Department of Health (DoH) pa ang naglinis ng pangalan ng ospital sa bintang na pinayagan nito na mabigyan ng second dose ang nabanggit na aktres sa isang mass inoculation.

Sinabi ni Padilla sa alkalde na tulad din ng karamihan na nagpunta ng ospital upang mabakunahan noong May 20, si Dixson ay pumila at hinintay ang kanyang pagkakataon na mabakunahan.

Sinabi pa ni Padilla na na-qualify si Dixson sa bakuna sa araw na iyon dahil siya ay kabilang sa A3 category o mga indibidwal na edad 18 hanggang 59 at may comorbidities. Si Dixson ay 51-anyos na.

Matapos dumaan sa encoder na isang required na proseso, si Dixson ay tinurukan ng kanyang second dose. Ayon kay Padilla, hindi ito ipinagbabawal ng DOH at sinabi pa ng kagawaran na “nobody should be deprived of second dose.”

Sa totoo lang, ayon kay Padilla, walang nakakilala sinuman sa ospital kay Dixson dahil ito ay nakasuot ng double facemasks at nakilala lamang nila ito matapos mabakunahan at nang itaas niya ang kanyang face shield.

Nabatid na tinanggap ni Dixson ang kanyang first dose ng Pfizer vaccine sa Canada noong April.

Ang aktres ay nagrehistro https://ift.tt/3cQKROp at nagpunta sa Sta. Ana Hospital nang dumating na ang araw para sa kanyang second dose.

Si Padilla ay nagreport sa alkalde matapos na akusahan ng netizen ang aktres na hindi pumila at hindi sumailalim sa tamang proseso ng bakuna na isa ring hayagang pagtuligsa sa vaccination process ng ospital.

Ayon kay Moreno, unfair ang nasabing pagbatikos dahil ang vaccinating teams ng pamahalaang lungsod ay tapat na sumusunod sa itinakdang regulasyon ng national government, partikular ang DOH, Department of the Interior and Local Government (DILG) Inter-Agency Task Force (IATF) at iba pa.

Binigyang diin ng alkalde na kung umiiral ang VIP treatment sa lungsod, dapat ay nauna na siyang bakunahan bago pa ang iba. Si Moreno ay kamakailan lamang nabakunahan matapos na makakuha ng kinakailangang clearance mula sa DOH.

“I hope the netizens will be circumspect in their comments. Our vaccinating teams have been sacrificing a lot, working even on weekends and holidays not for eight, but 14 hours a day, whenever there are enough vaccines that come our way,” sabi ni Moreno. (ANDI GARCIA)

The post “Walang special treatment kay Alice Dixson!” — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
“Walang special treatment kay Alice Dixson!” — Isko “Walang special treatment kay Alice Dixson!” — Isko Reviewed by misfitgympal on Mayo 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.