Facebook

Bong Go umayuda sa LGBT+ sa Quezon City

MATAPOS manawagan ng tulong sa gobyerno, agad tumugon si Senator Christopher “Bong” Go sa pamamagitan ng pamamahagi ng ayuda sa mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual and transgender (LGBT+) community na naapektuhan ang kabuhayan ng kasalukuyang pandemya sa Quezon City.

Isinagawa sa tanggapan ng DSWD sa Batasan, Quezon City, namigay ang mga tauhan ni Go ng mga makakain, vitamins, masks at face shields sa tinatayang 837 beneficiaries, bilang bahagi na rin ng pinalawak na inisyatiba ng tanggapan ng senador, katuwang ang ahensiya.

Namahagi rin ang DSWD sa mga benepisyaryo ng financial assistance.

“Sa mga kababayan kong LGBT, alam ko marami sa inyo ang nahihirapan. You have faced discrimination and exclusion from within your own communities. Now, the pandemic has taken your jobs and livelihoods too,” sabi ni Go sa video message.

“If there is anything I can do to help you, ‘wag kayong mahiya lumapit sa aking opisina. Gagawin namin ang lahat sa abot ng aming makakaya upang tulungan kayo,” aniya pa.

Chairman ng Senate Committee on Health, hinimok ni Go ang mga ito na na humingi ng tulong kung nangangailangan ng medical care. Pinayuhan sila ng senador na pumunta sa lokal na Malasakit Center para mabigyan ng medical assistance ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 113 Malasakit Centers sa iba’t ibang kapuluan sa bansa, kasama na ang nasa Lung Center of the Philippines, Novaliches District Hospital, Philippine Children’s Medical Center, Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute at East Avenue Medical Center na pawang nasa Lungsod Quezon.

Tiniyak ng senador sa LGBT+ na pinabibilis na ng gobyerno ang pagpapatupad ng vaccine rollout sa essential workers at vulnerable sectors para sila ay mabakunahan na.

“Huwag kayong matakot sa bakuna, matakot kayo sa COVID-19. Ang bakuna ang tanging solusyon natin upang malampasan ang krisis na ito. Ito ang susi para makabalik na tayo sa normal natin na pamumuhay,” paliwanag ni Go.

Noong May 8, namigay rin ang grupo ni Go ng ayuda sa 200 musicians at television production staff na nawalan ng kita sa DSWD Central Office.

Sinusuportahan ni Go ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality Bill kaya tiniyak niya sa lahat ng Filipino lalo sa gender minorities na magiging pantay ang pagtrato sa kanila maging sa kanilang pulitikal at panlipunang paniniwala.

“We are all equal under the law and it is our duty in this institution to ensure that all Filipinos — regardless of their age, sex, religion, ethnicity or gender orientation — are treated equally and justly,” sabi ni Go.

“As a country that prides itself for its diversity, it is our moral obligation to safeguard a culture of acceptance and inclusivity to ensure that our children and generations of Filipinos to come will live in a nation where they feel loved, cared for and accepted,” dagdag niya. (PFT Team)

The post Bong Go umayuda sa LGBT+ sa Quezon City appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go umayuda sa LGBT+ sa Quezon City Bong Go umayuda sa LGBT+ sa Quezon City Reviewed by misfitgympal on Mayo 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.