Facebook

Krisis ng China

HINDI kami naniniwala na lalaban si Rodrigo Duterte ng debate kay Antonio Carpio, ang retiradong mahistrado ng Korte Suprema na utak ng sakdal na iniharap ng Filipinas noong 2013 laban sa China sa Permanent Arbitration Commission ng United Nations Conference of the Laws of the Seas (UNCLOS). Nanalo ang Filipinas dahil sa masusing pag-aaral at saliksik ng kampo ni Carpio sa teoryang Nine Dash Line. Ito ang batayan ng China upang angkinin ang halos kabuuan ng South China Sea, kasama ang West Philippine Sea. Kabisadong-kabisado ni Carpio ang usapin at marami siyang naisulat tungkol dito.

Hindi kilala si Duterte bilang isang maginoong mandirigma sa bansa. May reputasyon si Duterte bilang isang pusakal na mamamatay tao na nagpapatay sa mahigit 20,000 katao sa madugo ngunit bigong digmaan sa droga. Hindi kilala na mautak at magaling si Duterte sa mga isyu ng bayan. Hindi namin alam kung sasabak ng debate kay Carpio na alam ang isyu ng pangangamkam ng China sa ating teritoryo sa West Philippine Sea. Ngunit may dahilan upang mapilitan ang tila baliw na si Duterte na sumabak sa debate. Kahiyaan na, sabi ng mga Batangenyo.

Krisis ang sitwasyon ng China dahil nasa South China Sea ang maraming sasakyang pandigma ng Estados Unidos, Australia, Japan, Canada, at kasaping bansa ng European Union. Parating sa eksena ang mga barko ng Britanya. Kinakabahan ang China sa maaaring mangyari. Hindi mapakali ang China sa pagkuyog ng mga bansang nasa pangunguna ng Estados Unidos. Kayang-kaya na pulbusin ang China kapag pinagtulungan ng mga mauunlad na bansa.

Bahagi si Duterte ng crisis PR ng China at hindi ito basta mapapasubalian. Tila may matinding utos kay Duterte mula sa panginoon sa Peking at tahasang pinalantad ang tila bangag na lider upang mag-ingay sa panig ng China. Pilit na pinahihina ni Duterte ang tagumpay ng Filipinas sa sakdal na iniharap nito sa Permanent Arbitration Commission sa UNCLOS. Pilit niyang pinalalabnaw ang saysay ng ating panalo sa sakdal. Sumesegunda ang ilang piling alipures upang suportahan si Duterte sa isyu. Pakapalan ng mukha.

Sumegunda si Delfin Lorenzana nang nagpahayag ng suporta kay Duterte sa usapin. Sinabi na walang ahensya na maaaring magpatupad ng desisyon ng UNCLOS. Salat iyan sa katotohanan. Sa totoo, hindi kailangan ang ahensiya upang ipatupad ang UNCLOS desisyon. Maraming sasakyang dagat ng iba’t-ibang bansa ang dumadaan sa South China Sea at tanging ang desisyon ng UNCLOS ang kanilang pinanghahawakan. Hindi sila maitaboy sa kawalan ng China dahil kinikilala ng international community ang desisyon bilang bahagi ng international law.

Sa ilalim ng desisyon na ibinaba ng Commission ng UNCLOS noon, itinakwil ang teoryang Nine Dash Line bilang batayan ng pag-angkin ng China sa halos kabuuan ng South China Sea. Walang batayan sa kasaysayan at batas upang kamkamin at ariin ng China ang South China Sea. Hindi ito pag-aari ng China, ayon sa desisyon. Ginagamit ngayon ang desisyon upang gawin ng maraming bansa ang kalayaan sa paglalakbay at paglalayag sa South China Sea. Walang magawa ang China sa gusto ng mga bansa.

Sa ganang amin, hindi mainam na ibigay ang focus sa napipintong debate ni Duterte at Carpio. Hindi ito ang endgame ng bungangaan ng dalawa sa isyu. Kung matuloy, gagamitin lang ng tila nababaliw na si Duterte ang debate upang ideklara na inabandona ng Filipinas ang panalo nito sa UNCLOS Permanent Arbitral Commission. Ibibigay niyang pilit ang pagkilala sa teoryang Nine Dash Line upang ganap na maangkin ng China ang South China Sea, kasama ang West Philippine Sea.

Ito ang gustong mangyari ng China noon pang 2016 nang maupo si Duterte sa poder. Alam nila na panig sa kanila si Duterte at hawak nila ito sa leeg at bayag. Sukdulan ipagkanulo ni Duterte ang sarili at bansa upang tutuparin ang bawat nais ng Peking. Ganyan ang pagkatao ni Duterte: Aalipin siya ng China.Magkasabwat sila upang maghari ang China sa Silangang Asya. Gagawin ni Duterte ang lahat upang maibigay sa China ang South China Sea at West Philippine Sea sa isang bandehadong pilak.

Maitim ang balak ni Duterte sa usapin. Hindi natin alam kung paano kikilos ang Estados Unidos at kaalyado upang pigilin ang nakakarimarim na scenario. Maaaring makialam ang Washington at ang mga nagkakaisang bansa at lantarang makialam sa suliranin ng Filipinas. Paano kung isang araw may santambak na sundalong Amerikano sa Davao City at tuluyan hindi na makalabas ng siyudad si Duterte? Malayo ba itong mangyari sa ngalan ng pandaigdigan kalakalan?

***

QUOTE UNQUOTE: “Fact: That is no mere piece of paper. It’s 501 pieces of paper.” – Mike Logico hinggil sa 2016 arbitral decision

“With warships of the U.S. and its allies stationed at South China Sea, China couldn’t help but feel paranoid.Very paranoid because its survival is at stake. Its industries on the east coast of China are easy targets for missile attacks by the foreign warships. China is in a crisis mode. Duterte et. al. are being used by Peking for propaganda purposes. Notice that their statements reflect China’s position on the issue of 2016 arbitral win , not the Philippines’. Duterte et al are part of a huge China propaganda machine. In due time, they will be taken care of.” – PL, netizen

“Refusing to defend Philippine territory which is his first duty, the President is now an enemy of Philippine sovereignty. ” – Jim Paredes, netizen, songwriter, entertainer

***

Mayroon akong isinulat na paliwanag tungkol sa desisyon ng Permanent Arbitration Commission ng UNCLOS. Hindi ito ordinaryong papel na tulad ng gusting palabibasin ni Duterte. Pakibasa:

A VERY IMPORTANT PIECE OF PAPER

It is not a mere scrap of paper. It’s a very valuable decision for the international community. We can say it with a feeling to the face of Rodrigo Duterte, China’s running dog in East Asia.

We are referring to the 2016 decision of the Permanent Arbitration Commission of the United Nations Conference on the Laws of the Seas that rejects China’s Nine-Dash Line theory. This theory serves as the basis for China’s claim of ownership and sovereignty of almost the entire South China Sea. This is a joke.

Duterte condescendingly said it was “a mere scrap of paper”, indicating its uselessness from his limited standpoint.

On the contrary, it is very useful. It’s now part of international law. The international community adheres to it and follows it religiously. Many countries have their ships pass through the South China Sea with that decision in their hands. China could not do anything.

It is China’s Nine-Dash theory that has become useless. Nobody believes in it except Duterte. It is ignored. It’s not legal in any way.

China’s deal with Duterte is mainly on that decision. Xi Jin-ping wants Duterte to treat it with condescension. He wants to degrade its value. On the contrary, the international community is treating it with sublime adherence and importance.

No country except the Philippines treats the decision lightly. Now, we understand why Duterte is perceived as a traitor in his country. He does not want to enforce it. He does not want to acknowledge it. But Duterte is now perceived as China’s lackey, who would do everything to please his masters in Beijing.

The post Krisis ng China appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Krisis ng China Krisis ng China Reviewed by misfitgympal on Mayo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.