Facebook

LLANERA, NUEVA ECIJA INASISTEHAN NI GO

Sa papahirap na kabuhayan sa buong bansa dulot ng pandemic ay tuloy-tuloy sa pag-asiste ang tanggapan ni Senator Christopher.”Bong” Go sa lahat ng mga may pangangailangan tulad sa pagpapadala nito ng asiste sa mga vulnerable sector ng Llanera, Nueva Ecija.
Ang mga benepisaryo ay ang mga bumubuo ng solo parents, senior citizens, typhoon victims at mga residenteng nangangailangan ng lingap mula sa gobyerno.
Sa video message ay pinaalalahanan ni Go ang mga benepisaryo na magtulungan at makipagkoopersayon sa mga awtoridad upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at maprotektahan ang buhay at mga pangkabuhayan.
“Sumunod tayo sa gobyerno. Magsuot ng mask at face shield, mag-social distancing, at maghugas ng kamay. Kung hindi naman kailangan, huwag munang lumabas ng bahay. Napatunayan po na (higit) 90% maiiwasan ang pagkahawa sa sakit na COVID-19 kapag naka-mask at face shield tayo,” paalala ni Go.
Nitong May 11, ang grupo ni Go ay namahagi ng mga pagkain, vitamins, masks at face shields sa may 332 benepisaryo na isinagawa ang aktibidad sa Brgy. Victoria compound na istriktong ipinairal sa mga nagsidalo ang health at safety protocol laban sa COVID-19. May mga piling benepisaryo ang nabigyan ng pares ng sapatos at ang iba naman ay nabigyan ng bisekletang magagamit para sa mga pang-araw-araw na pagbibiyahe. Ang iba naman ay nabigyan ng computer tablets para ang kanilang mga anak ay maagapayan sa mga pag-aaral sa kanilang mga bahay.
Nakipagpartisipa rin ang mga personnel mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa nasabing aktibidad na namahagi ang mga ito ng financial assistance sa mga residente.
Si Go na siyang Chairman ng Senate Committee on Health ay nagpaalala na unahin ang kanilang pangangailangang medical at humiling ng asiste sa gobyerno kung kinakailangan.
Pinaalalahanan din nito ang mga residente na makakakuha sila ng asiste mula sa Malasakit Centers nationwide lalo na sa mga nasa Eduardo L. Joson Memorial Hospital at sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center na parehong nasa Cabanatuan City.
Si Go ang may-akda at umisponsor sa pagkakalikha ng Malasakit Centers Act of 2019 na nagsasaad para sa pagkakaroon ng isang tanggapang sama-sama ang mga ahensiyang magkakaloob ng medical assistance sa mga Filipino patient tulad ng Department of Health, DSWD, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstake Office.
Sa mensahe ni Go ay pinuri nito ang local officials na pinangungunahan nina Governor Aurelio Umali, Vice Gov. Doc. Anthony Umali, Rep. Mikki Violago, Mayor Ronnie Roy Pascual at Vice Mayor Frank Natividad gayundin ang iba’t ibang government agencies sa kanilang naging dedikasyon at di-matawarang pagpupunyagi para mapagsilbihan ang publiko.
Ibinahagi rin ni Go ang ilang mga ginagawa ngayong prpyekto sa Nueva Ecija na kaniyang inasistehan para mapondohan kabilang na ang completion sa ipinagagawang Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center at sa ipinatatayong Evacuation Center sa Manarog, Gen. M. Natividad at iba pa.

The post LLANERA, NUEVA ECIJA INASISTEHAN NI GO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
LLANERA, NUEVA ECIJA INASISTEHAN NI GO LLANERA, NUEVA ECIJA INASISTEHAN NI GO Reviewed by misfitgympal on Mayo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.