PORMAL nang nanumpa si Lt. Gen. Guillermo Eleazar bilang ika-26th Philippine National Police Chief kapalit ni PNP Chief Gen. Debold Sinas na nagretiro sa edad na 56.
Pinangunahan ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año ang turn-over sa Camp Crame kahapon.
Si Eleazar at Sinas ay magkaklase at kabilang sa 1987 Class ng Philippine Military Academy (PMA).
Bilang bagong PNP Chief, inilunsad ni Eleazar ang “Intensified Cleanliness Policy (ICP) na bahagi ng ipapatupad na programa sa hanay ng PNP.
Sa ilalim ng ICP na base sa “broken window theory” na ang maliit na problema ay dapat na agad pagtuunan ng pansin at bigyan ng solusyon bago pa man ito lumala o lumaki.
Sinabi ni Eleazar na sa ilalim ng ICP ay saklaw na nito ang mga programa at reporma na ipapatupad sa ilalim ng kanyang panunungkulan.
Ang ICP ay unang ipinatupad ni Eleazar nang ito ay maitalagang Chief ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).
Si Eleazar ang ika-6 na PNP Chief sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. (Mark Obleada)
The post Lt. Gen. Eleazar pormal nang nanumpa bilang bagong PNP Chief appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: