Facebook

Pagmamahal at sakripisyo ni Nanay

NANG mag-umpisa ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong 2020, maraming nawalan ng trabaho.

Hanggang ngayon, ubod ng dami ang mga tambay.

Lahat ng sektor ay apektado, kabilang ang hanay ng entertainment at iba pa.

Sinasabing simula noon, kung anu-anong trabaho na ang pinapasok ng ilang kababayan natin, matugunan lamang ang pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ang iba, nagbabantay ng tindahan bago dumako sa ibang raket.

Totoong nakakapagod pagsabayin ang trabaho at pamilya.

Ngunit sakripisyo raw ito na araw-araw nilang ginagawa, lalo na ng mga nanay.

Sabi nga ng iba, nasusubok raw ang katatagan ng marami ngayong pandemya.

Bunga naman ng online learning ng mga anak, kinailangang magtrabaho pa rin kahit day- off para mabayaran ang internet, tubig at kuryente.

Sa harap naman ng kaliwa’t kanang pagsubok na ito, pilit na bumabangon ang lahat.

Walang ibang ibinubulong si nanay kundi ang kakayanin ito alang-alang sa mga anak o pamilya.

Hindi maitatanggi na bago pa man ang COVID-19 pandemic, lagi nang ginagawa ng mga ina ang pagbalanse sa trabaho.

Kumbaga, multi-tasking.

Pinagsasabay ang pag-aalaga sa mga anak at pag-asikaso sa mga gawaing bahay, gaano man ito kahirap.

Para naman sa ilang sociologists, lalong itong naging mahirap para sa mga nanay.

Ayon kay Bro. Clifford Sorita, kahit ang mga inang nagtatrabaho full-time ay madalas sila pa rin ang sumasalo sa mga responsibilidad sa bahay at pag-alaga sa mga supling.

Hindi biro ang trabahong ito.

Sa lahat ng pagkakataon, ang mga nanay din ang nagsisiguro na maayos ang psychological well-being at emotional stability ng bawat kasapi ng kanilang pamilya.

Humuhugot ng lakas ang mga ilaw ng tahanan sa kanilang mga mahal sa buhay.

Gagawin nila ang lahat para sa mga ito.

Kaya kasabay ng pagdiriwang ng Mother’s Day, nawa’y pahalagahan at alalahanin natin ang sakripisyo ng ating mga nanay.

Kung tutuusin, maituturing din sila bilang frontliner ng bawat pamilya sa kasalukuyang krisis.

Maligayang “Araw ng mga Ina” sa aming pinakamamahal na Nanay Shirley at sa lahat ng mga nanay buong mundo.

Utang namin sa inyo ang aming buhay, kung anong meron, at kung ano kami ngayon.

Para kay Nanay, Inay, Nay, Mama, Ma, Mom, Momshie, Mommy, Mame, at Mama Bear…Happy Mother’s Day po at maraming salamat sa walang sawang pagmamahal!

***

PARA naman sa inyong mga reaksyon, suhestiyon, reklamo, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat at stay safe!

The post Pagmamahal at sakripisyo ni Nanay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagmamahal at sakripisyo ni Nanay Pagmamahal at sakripisyo ni Nanay Reviewed by misfitgympal on Mayo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.