TIMBOG ang mag-asawa sa pagpapanggap na opisyal ng Professional Regulation Commission (PRC) at nangingikil sa board exam takers sa Maynila.
Sa ulat, nagpakilala na “Armi Liquid” ang babae pero Julita Toledo ang pangalang ginagamit nito kapag nambibiktima. Kinilala naman ang asawa nito na si Mario Liquid na kasabwat sa panloloko.
Ayon sa ulat, nagpapabayad mula P4,000 pataas ang dalawa kapalit ng pagpasa sa board exam ng examinees. Nagpapa-kilala ang mga ito na board member ng PRC at pangangakuan ng kopya ng answer sheet sa board exam ang mga biktima.
Nabuking ang modus ng mag-asawa nang makatanggap ang Calabash PCP sa Sampaloc ng tip mula sa isang anonymous caller at inabangan ang mag-asawa habang nagsasagawa ng board exam takers ng radiologic technologist sa isang paaralan.
Nakuha sa mag-asawa ang iba’t ibang ID na may iba’t ibang pangalan.
Ayon kay Police Lt. Joseph Villafranca, hepe ng investigation section ng Sampaloc Police, papalit-palit ng pangalang ginagamit ang mag-asawa.
Nang ipa-verify sa PRC ang dalawa, nalaman na hindi sila lehitimong board members ng ahensiya.
Hindi nagbigay ng pahayag ang mag-asawa.
Patong-patong na kasong ‘falsification by private individuals and use of falsified documents, usurpation of authority at using of fictitious name’ ang isasampa laban sa mag-asawa.
Inaabisuhan ng mga pulis na makipagtulungan sa kanila ang iba pang nabiktima ng mag-asawa para makapagsampa pa ng kaso.
The post Mag-asawa nagpapanggap na taga-PRC, nanloloko sa board examinees kulong appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: