NASABAT ng mga awtoridad ang humigit-kumulang P3.1 milyong halaga ng ketamine o party drugs na nakuha sa loob ng mga coffee sachet.
Naaresto sa operasyon sina Kristopher Segumbang, authorized representative ng consignee; at isang “Nick Dimagiba”.
Sa isinagawang delivery ng isang package sa Barangay Bagbaguin, Caloocan City, nakumpiska ang nasa 622 gramo ng naturang anesthetic.
Ayon sa NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADTG), ang parcel na dineklarang “snacks” ay ipinadala ng isang “Simon” mula Kuchai Entrepreneur Park sa Kuala Lumpur, Malaysia para sa isang “Nick Dimagiba” ng Caloocan.
Sa mga “assorted snack” na ipinadala, 15 sachets ang naglalaman ng ketamine.
Ginagamit ang ketamine sa pulbos o likido bilang pampamanhid, na kadalasan para sa mga hayop.(Jojo Sadiwa)
The post P3m ‘party drugs’ buking sa pakete ng kape appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: