Facebook

Bgy. kagawad, anak, at mister ng bgy. secretary kinasuhan sa boxing sa kalye

KINASUHAN na ang isang barangay kagawad at asawa ng barangay secretary sa Tondo, Maynila na sangkot sa pagdaraos ng street boxing na ipinagbabawal dahil sa Covid-19 pandemic.
Kinilala ang mga inireklamo na sina Kagawad Arnel Saenz ng Bgy. 182; anak na si Vincent; at Lawrence Bindoy, asawa ng barangay secretary.
Sa ulat, mapapanood sa video ng MPD Station 1 ang suntukan ng dalawang lalaki sa kalye na nasa edad 18 at 16 anyos sa Bgy 182, Gagalangin, Tondo.
Bukod dito, dikit-dikit rin ang mga nanonood at karamihan ay walang suot na face masks at face shield.
Ipinagbabawal ang contact sports sa ilalim ng General Community Quarantine “with heightened restrictions” sa Metro Manila, utos narin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Una rito, sinabi ng kapitan ng barangay na tapos na ang laban at wala nang tao nang puntahan nila ang lugar kasama ang mga pulis.
Hindi raw inaprubahan ng barangay ang boxing, na isinabay sa kapistahan ng kanilang patron.
“Naglibot po tayo. Sa lahat ng mga napagtatanungan natin puro kagigising, puro wala po sila sa pinangyarihan,” sabi ni Kapitan Jaime Laurente ng Bgy. 182.
“Wala po tayong inaresto dahil pagdating po ng pulis wala pong gustong magsalita, pero may nagbigay po na pangalan. ‘Yun po ‘yung tinutumbok natin ngayon na pa-file-an natin ng kaso,” pahayag ni Lieutenant Colonel Paul Doles, commander ng Manila Police District Station 1.
Sinampahan na ng kaso sa piskalya ang mga nirereklamo.

The post Bgy. kagawad, anak, at mister ng bgy. secretary kinasuhan sa boxing sa kalye appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bgy. kagawad, anak, at mister ng bgy. secretary kinasuhan sa boxing sa kalye Bgy. kagawad, anak, at mister ng bgy. secretary kinasuhan sa boxing sa kalye Reviewed by misfitgympal on Mayo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.