Facebook

4 resort goers ng Gubat sa Ciudad nagpositibo sa Covid-19

NAGPOSITIBO sa Covid-19 ang apat sa mga naligo sa Gubat sa Ciudad resort sa Caloocan City.
Sinabi ni Caloocan City Covid-19 Command Center head Bok Labastilla na isa sa apat ang asymptomatic base narin sa lumabas na resulta ng kanilang antigen test.
Inilipat narin ang isa sa apat sa quarantine facility habang inaayos pa ang paglilipat ng tatlo.
Umaabot narin sa 123 sa 287 ang natukoy para sa contact tracing.
Mayroon ng 42 sa kabuuang 123 ang sumailalim sa antigen test at apat positive sa Covid-19. Ang natitirang 80 ay isasailalim pa sa swab test.
Ipinaubaya na sa contact tracers ng Caloocan City PNP ang hindi sumasagot sa tawag nila para bisitahin ang kanilang mga bahay.
Magugunitang noong Mayo 9, Mother’s Day, ay dumagsa ang mga tao sa nasabing resort na mahigpit na ipinagbabawal dahil sa ipinapatupad na quarantine protocols laban sa Covid-19.

The post 4 resort goers ng Gubat sa Ciudad nagpositibo sa Covid-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4 resort goers ng Gubat sa Ciudad nagpositibo sa Covid-19 4 resort goers ng Gubat sa Ciudad nagpositibo sa Covid-19 Reviewed by misfitgympal on Mayo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.