ISANG magsasaka sa Caga-yan ang nakahukay ng pangil na posibleng ngipin ng isang Stegodon, ang itinuturing na ninuno ng mga elepante at nabuhay sa mundo 11 milyong taon na ang lumipas.
Ayon sa magsasaka na itinago sa pangalang “Ross,” nakakakita siya habang naghuhukay ng mga bato na tila kakaiba ang hugis.
Aniya, tila bangka ang hugis ng inakala niyang bato at mayroon pa itong pangil na halos isang talampakan ang haba.
Dahil dito, nagsagawa siya ng pananaliksik kasama ang kani-yang kaibigan sa internet at nadiskubre na ang nahukay niya hawig sa mga naunang fossil na natagpuan tungkol sa Stegodon.
Sinasabing nabuhay ang mga Stegodon sa Africa, North America at ilang bahagi ng Asya.
Ayon kay Dr. Alyssa Alampay, paleontologist ng University of the Philippines National Institute of Geological Sciences, may posibilidad nga na Stegodon ito ngunit kinakailangan pa nitong sumailalim sa mga pagsusuri upang makumpirma.
The post Magsasaka nakahukay ng fossils ng ninuno ng mga elepante appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: