Camp Guillermo Nakar, Lucena City, Quezon – Nakasabat ng hindi bababa sa P5 milyong halaga ng shabu sa magkakahiwalay na operasyon ang mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit (PIU/PDEU) kungsaan nadakip ang limang nagbebenta ng droga nitong nakaraang Lunes at Martes dito sa lungsod.
Kinilala ang mga nadakip na sina Juaquinito Ayangco alyas “Juaquin”; John Mark Nepales alyas “Oblaks”; Mary Joe Zorca alyas “Mae”; Romualdo Villanueva alyas “Omal” ; at Romualdez Oracion.
Sa report ng Quezon Provincial Police Office (QPPO) sa tanggapan ni Calabarzon PRO 4A Regional Director BGen. Eliseo Cruz, unang nasakote 7:30 ng gabi si Ayangco sa Purok Little Baguio, Barangay Dupay, matapos magbenta ng shabu sa isang poseur buyer ng halagang P13,00.00, at nakuhanan ng karagdagan na 2 heat sealed plastic sachet ng shabu na 6 gramo na nagkakahalaga ng P40,800.00. at street value na P122.000.00.
Arestado rin bandang 9:00 ng gabi sa Purok Narra, Barangay Uno si Napales na nakunan ng 2 plastic sachet ng shabu na may bigat na 4.89 gramo na nagkakahalaga ng P99.756.00.
Sumunod na nasakote 11:00 ng gabi si Mary Joe Zorca sa Brgy 8 na nakuhanan ng 3 plastic sachet ng shabu na 10 gramo at nagkakahalaga ng P204,000.00.
Nahuli naman sa followup operation 2:30 ng madaling araw ng Martes sa Brgy. Gomburza, St. Peasant Ville Subdivision, Brgy. Ilayang Iyam si Romualdo Villanueva, na nakuhanan ng 2 plastic sachet ng shabu na 10 gramo at nagkakahalaga ng P204,000. 00.,
Nalaglag din sa kamay ng batas si Romualdes Oracion bandang 8:00 ng umaga sa Sto. Rosario Subdivision, Brgy. Market View, nasamsaman ng isang led light bulb na naglalaman ng 20 piraso ng transparent plastic sachet.
Nahaharap ang mga ito sa paglabag sa Sec.5 at 11 ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 sa korte. (Jose Koi Laura)
The post P5m shabu huli sa 5 suspek sa Quezon appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: