Facebook

MMA fighter nabale ang titi sa pakikipag-sex

SA huling episode ng ‘Sex Sent Me to the ER’ ng TLC, inamin ng MMA fighter na si Ray Elbe na nabali ang kanyang titi habang nakikipagtalik sa kanyang kasintahan.
Ayon sa 38-anyos na si Elbe, habang nagsi-sex sila ng kanyang girlfriend ay aksidenteng nadulas ito at napabagsak sa kanya kaya nabaluktot ang kanyang titi, ulat ng Metro.
“Unfortunately, as she went a little bit too high, I slipped out, and when she came back down I was still obviously fully erect, and basically (she) bent me over the top,” wika ng atleta.
Nilinaw ng mga duktor mula sa emergency room na kasama sa palatuntunan, ang dahilan umano ng pagkabali ng titi ng MMA warrior ay dahil sa ang “spongy tissue inside” na sadyang nagpapalaki at nagpapatigas ay nagkaroon ng injury ng madaganan ng nobya.
Agad na dumanak ng dugo nang mabali ito, at nawalan ng malay si Elbe sanhi ng pagkawala ng maraming dugo. Isinugod agad ang biktima sa ospital para lunasan ang pagkabali ng kanyang ari.
Ayon sa mga duktor, na-rupture ang urethra ni Elbe at gayundin ang isang major artery sa kanyang ari bukod pa sa dorsal vein. Makaraan ang 12 oras ng surgery at 8 linggong pamamahinga, nakapag-full recovery naman ang biktima.
“I’ve had some significant injuries, but as far as the actual pain, and I was in shock at that point, it was brutal,” kuwento ni Elbe sa mga producer ng ‘Sex Sent Me to the ER’.
Ipinaliwanag din ni Dr. Jed Kaminestky, isang clinical assistant professor sa NYU Medical Center at medical advisor para sa Promescent, na ang pagkabali ng titi ay iba sa pag-fracture ng buto.
“When engaging in intimacy, an erect penis can be fractured, but not in the typical way a bone would fracture,” ani Kaminestky.
“Unlike fracturing your humerus or radius (the bones that run from your wrist to elbow), if a penis fracture occurs, the corpora cavernosa tears,” dagdag ng prominenteng duktor.
Ang corpora cavernosa ay ang tatlong spongy chamber na bumubuo ng ari ng isang lalaki at ito ang napupuno ng dugo kapag nagkaroon ng erection.
Habang pambihira ang karanasan ni Elbe, sinabi ni Kaminestky na ang ganitong uri ng injury ay nagaganap makaraan ang matinding hampas o pagkakatama sa penis, na madalas nangyayari sa sports.
“When a penis does fracture, you may hear a popping sound, and the penis can start to turn black and blue. In severe cases, you can damage the urethra leading to bloody urine,” sabi nito sa Insider. (Tracy Cabrera)

The post MMA fighter nabale ang titi sa pakikipag-sex appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MMA fighter nabale ang titi sa pakikipag-sex MMA fighter nabale ang titi sa pakikipag-sex Reviewed by misfitgympal on Mayo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.