Facebook

Vloggers na Fowler sisters, iba pa tinikitan sa mass gathering sa QC

AABOT sa 50 tao ang natiketan sa pagdalo sa “meet and greet” ng vlogger na si Toni Fowler sa Cubao, Quezon City, Martes ng gabi.
Aminado si Fowler na hindi sila nakipag-ugnayan sa mga otoridad hinggil sa pagdaraos ng event.
“Nagpa-reserve po kami para sa 50 tao lang, maximum, hindi po namin expected na dadami yung mga tao sa labas,” paliwanag ni Fowler.
Sa dami ng pumunta ay hindi na nasunod ang social distancing sa lugar.
Ayon sa Quezon City Task Force Disiplina, limitado lang dapat sa 10 ang mga dadalo sa mga pagtitipon.
Humingi ng paumanhin si Fowler at sinabing handa nilang bayaran ang multa na ipapataw sa kanila.
Kung sakali namang may magpositibo sa Covid-19 sa mga dumalo at na-trace na doon nakuha ang sakit, pananagutan daw ito ng Fowler sisters.

The post Vloggers na Fowler sisters, iba pa tinikitan sa mass gathering sa QC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Vloggers na Fowler sisters, iba pa tinikitan sa mass gathering sa QC Vloggers na Fowler sisters, iba pa tinikitan sa mass gathering sa QC Reviewed by misfitgympal on Mayo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.