Facebook

Palaisdaan sa Ilocos Sur sinalanta ng fish kill

PROBLEMADO ngayon ang mga may-ari ng mga palaisdaan sa San Vicente, Ilocos Sur nang magkaroon muli ng fish kill sa kanilang lugar, tone-toneladang tilapia ang napeste na nakatakda na sanang anihin ngayong buwan.
Sa ulat, ika-limang fish kill na ito sa mga palaisdaan sa Barangay San Sebastian mula Enero ng taon.
Nitong Sabado nagsimulang maglutangan ang mga patay na isda. Aabot sa P7 milyon ang halaga ng pinsala. Inilibing ito para hindi mangamoy.
Ang limang fish kill na nangyari ngayon taon ay umabot na sa P15 milyon ang kabuuang pinsala.
Ayon kay Ron Pilot, fisheries coordinator ng San Vicente, may kinalaman ang pagpasok ng tubig-alat sa lugar na ikinamatay ng mga water lily.
Ang mga patay na water lily ang nagsilbing lason sa mga isda. Isa pang dahilan ang sobrang init ng panahon at kawalan oxygen sa tubig.
Kumpara sa mga naunang fish kill na nangyari sa lugar na may natirang mga buhay na isda, ngayon ay naubos ang mga isda sa fish cages.

The post Palaisdaan sa Ilocos Sur sinalanta ng fish kill appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Palaisdaan sa Ilocos Sur sinalanta ng fish kill Palaisdaan sa Ilocos Sur sinalanta ng fish kill Reviewed by misfitgympal on Mayo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.