Ni ARCHIE LIAO
MATAPOS na magpasabog si Derek Ramsay tungkol sa kanyang mga ex sa panayam sa kanyang sa Mega Magazine, si Maja Salvador naman ang nagpaunlak ng panayam tungkol sa kanyang past relationships.
Sa nasabing interview, ikinuwento ni Maja kung paano siya na-stressed noon sa naging gulo nina Coco Martin at ng ex niyang si Matteo Guidicelli sa isang Star Magic party.
Pero sa naturang panayam, mas nagpaliwanag siya kung bakit hindi nag-work ang kanilang relationship ng ex na si Gerald Anderson.
Anila, feeling daw niya ay hindi nakatutulong sa kanyang karera ang pagkaka-link niya kay Gerald.
Ito rin daw ang dahilan kaya kumalas siya sa actor pero naging mutual daw naman ang kanilang breakup noon.
Aminado naman siyang mahal nila ni Gerald ang isa’t isa subalit dahil bata pa raw sila noon, minabuti nilang magkahiwalay for career reasons.
“Dapat hindi namin pinilit. Oo, na-in love kami sa isa’t isa. Pero siguro yung mahirap na sa umpisa pero parang andyan eh. Alam mo iyong ganoon? Pero alam mong nag-struggle kaming dalawa, individually. Kasi ako gapang talaga from the start. Kasi siya, dumadami iyong commercials niya, ako, wala ako. Nawalan ako ng mga endorsement,” ani Maja.
Sa naging pahayag na ito ni Maja, maraming netizens ang nag-react.
Dati-rati kasi kapag iniinterbyu siya tungkol kay Ge, tahimik lang siya at hindi na inuungkat ang kanilang nakaraan.
Anila, nagpapa-kontrobersyal daw ba ang aktres lalo pa’t unti-unting nawawalan na rin ng estrella ang karera nito.
Sey naman ng ilan, ibig daw palang palabasin ng aktres na jinx sa career niya si Ge.
Hirit naman ng iba, kung disaster daw si Ge, hindi raw kaya madamay din ang girlfriend nitong si Julia Baretto na malamang ay maging irrelevant na rin after Joshua? Warning daw kaya ang statement na ito ni Maja kay Julia?
Sabat naman ng ilan, nawalan daw ng mga endorsement si Maja dahil naging nega rin ang image nito dahil sa umanoĆ½ pang-aahas nito kay Gerald na dating boyfriend ng kanyang friend na si Kim Chiu.
Sa madaling salita, hindi raw dapat isisi ng aktres ang pagkatengga ng kanyang karera noon kay Gerald dahil kung tutuusin ay may kasalanan din ito sa pagbe-betray umano sa kanyang best friend.
The post Maja binuking, minalas ang career nang maging dyowa si Gerald appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: