Facebook

Cong. Dr. Tan umapela sa DOH na dagdagan ang bakuna sa Quezon

UMAPELA na ng karagdagang ayudang bakuna si Dr. Angelina “Helen” Tan, kinatawan ng fourth district ng Quezon province sa Department of Health (DOH) at sa mismong Health secretary Francisco Duque III para mabilis na mabakunahan at mabigyang proteksyon ang 2.1 milyong residente ng lalawigan laban sa nakamamatay na Covid-19 infection.

Sa panayam kay Dr. Tan sa programang Mata ng Agila sa Net 25, binigyaang diin ni Doktora Tan ang kahalagahan na mabakunahan agad-agad ang kanyang mga ka-lalawigan para tuluyang malabanan at mapigilan ang tumataas na bilang ng nagkakasakit ng COVID-19 sa kanyang lalawigan.

“Sa kasamaang palad, mabagal ang pagbabakuna sa aming lalawigan. Kaya naman nananawagan na ako sa Department of Health na tulungan naman ang aking mga kalalawigan na mabakunahan at madagdagan ang supply ng bakuna para maprotektahan na laban sa sakit ang mga taga-Quezon. Bilisan na ang bakuna. Huwag nang sayangin ang panahon,” pahayag ni Tan.

Matatandaan na binigyan ng alokasyon ng SINOVAC at AstraZeneca ang probinsya ngunit ayon sa datos, wala pang alokasyon ng Sputnik V vaccines mula sa Russian Gamaleyan Institute.

Tumaas aniya ang bilang ng may sakit sa pagdagsa ng bilang ng mga may infection mula sa mga kanugnog na lalawigan tulad ng Rizal, Batangas at Laguna. Sa kasalukuyang datos ng DOH, mayroong panibagong 791 kaso ng COVID-19 infections sa Quezon sa nakaraang 14 araw.

May 145 na rin naitalang nasawi mula sa naitalang 9,679 kaso ng COVID-19 sa lalawigan. Halos 60 % na ng 26 medical facilities ng lalawigan ay okupado ng mga may sakit ng COVID-19.

Nagbigay paalala ang butihing doktora sa mga taga Quezon na panatilihin ang health protocols tulad ng paghuhugas ng kamay, social distancing at palagiang pagkain ng masusustansyang pagkain upang hindi mahawaan ng nakamamatay na virus. Kung may mapansin mang anumang kakaiba sa karamdaman, agad magpakunsulta sa pinakamalapit na pagamutan.

The post Cong. Dr. Tan umapela sa DOH na dagdagan ang bakuna sa Quezon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Cong. Dr. Tan umapela sa DOH na dagdagan ang bakuna sa Quezon Cong. Dr. Tan umapela sa DOH na dagdagan ang bakuna sa Quezon Reviewed by misfitgympal on Mayo 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.