MALALAKING proyekto ang mga natamo ng lungsod ng Calapan sa nakalipas na walong taon.
Napaka swerte ng Calapeño naghalal sila ng alkalde na gaya ni Mayor Arnan C. Panaligan.
Kung inyong maalala sa kanyang naging State Of the City Address o SOCA noong Hulyo 1, 2013 ibinahagi ni Mayor Arnan C. Panaligan sa Sangguniang Panglungsod at sa mamamayang Calapeño ang kanyang mga nagawa sa nakalipas na 8-taon.
Ayon kay Mayor Panaligan, nakamit ng lungsod ang ‘’Gawad Saka Award’’ mula sa Department of Agriculture bilang isa sa mga nangungunang siyudad sa Pilipinas sa produksyon ng bigas.
Muli ring natamo ang Calapan City ng award bilang ‘’Most Business friendly City in the Component City Category’’ mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).
Sinabi ni Mayor Panaligan na kasalukuyan nang isinasagawa ang simpleng pagka-klasipika ng rehistrasyon ng mga negosyo sa lungsod, at ang pagbalangkas ng Updated Citizens Charter para maitaguyod ang epektibo, episyente at bukas na serbisyo sa mga mamamayan.
Ipinaalam din ni Mayor Panaligan ang pagtataas ng taunang pondo nito mula 2014 hanggang sa kasalukuyan na nasa P46- milyon mula sa P1.8 milyon lamang na badyet nito noong 2013.
Naglaan din ang Pamahalaang Lungsod ng mga subsidiya o tulong sa mga magsasaka para makabili ng mga hybrid at inbred seed varieties; at inilunsad din noon ang “Gulayan sa Barangay” program para matugunan ang pangangailangan sa pagkain at nutrisyon ng maraming mahihirap na pamilya para pagkukunan na rin ng kabuhayan.
Isa rin sa mga prayoridad ni Mayor Panaligan ang mga programang magpapaunlad sa pangisdaan.
Sa larangan naman ng imprastrkatura, tuloy-tuloy ang pagko-kongkreto ng mga kalsada at pagsasagawa sa mga kanal o drainage, kasabay nito ang paghahanda na rin sa Comprehensive Drainage Master Plan ng buong Calapan.
Naglagay rin ng mga LED streetlights sa diversion road papuntang City Hall complex at muling pinailaw ang mga streetlights sa mga abalang kalye gaya ng J.P. Rizal, Bonifacio St., Juan Luna St., at Leuterio St.
Kumpleto na rin ang renovation ng Calapan City Hall.
Inilunsad rin ng administrasyoin ni Panaligan ang ‘’ABC River program’’ na ang ibig sabihin ay Alive, Beautiful, Clean River program para sa Calapan River na kung saan, isinasagawa na ang dredging ng ilog ng Calapan para na rin sa flood control at muling pagbuhay ng isang malinis na ilog ng lungsod.
Kasama dyan ang konstruksyon ng isang linear river park sa magkabilang gilid ng ilog.
Mas pinalawak ng Pamahalaang Lungsod ang Health Insurance program at pinalaki ang benepisyo mula dito; itinaas din ang antas ng isang health unit ng siyudad bilang isang Basic Emergency Maternal Obste-trics and Newborn Care Center o BemONC.
Sa edukasyon naman, pinalawak ni Mayor Panaligan ang City College Scholarship Program; patuloy na pagpapatupad ng Literacy and alternative learning system program; at pagpapalawak ng Day care program dito.
Ilan pa sa mga nagawa at natamo ng Administrasyong Panaligan sa loob ng nakalipas na walong taon ay ang pagkakaloob ng mga titulo ng lupa sa mga residente o nakatira sa mga barangay ng Wawa at Maidlang matapos ang paghihntay ng mga ito ng mahigit na 20 taon; pagdaragdag at pagpapalawak ng relokasyon para sa mga informal settlers; implementasyon ng City Employees Housing project.
Nakabili at dumating din sa lungsod ng Calapan ang mga bagong ambulansya, dump trucks, rescue at life-saving equipment, fire truck at iba pa.
Nilagdaan na rin ni Mayor Panaligan ang taunang pondo na inilaan para sa taong 2021 ng lungsod na nagkakahalaga ng P983,790,525.80 kung saan binigyan diin dito ang mga programa para sa agrikultura at kabuhayan, imprastraktura, kalusugan, edukasyon, pabahay at serbisyong panlipunan kasama ang mga programa sa pangangalaga ng kalikasan at kaligtasan ng mamamayan.
Sa pagsusumikap ni Mayor Panaligan naipatayo niya ang “New City Health Building” sa halagang P 36 milyon mula sa pondo ng City Government at counterpart funding ng Department of Health.
Pinatayo rin ni Mayor Panaligan ang Calapan City District Jail upang mas maging komportable ang titigilan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) upang maitaas ang moral ng mga ito bilang bahagi ng pag-rereform ng mga nabanggit ng PDL sa pakikipagtulungan ng iba’t-ibang ahensya at sangay ng gobyerno gaya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), sa pagkakaloob ng City Government ng 1,500 ektarya na lupa na pinagtirikan ng P 39 million District Jail Facility na kayang mag laman ng 700 inmates.
Sinimulan na rin ang konstruksiyon ng mahigit P200-milyon Calapan City Convention Center matapos isagawa ang groundbreaking ceremony sa Brgy. Tawiran.
Ang nasabing proyekto ay kabilang sa priority projects ng pamahalaang lungsod noong huling termino ni Mayor Panaligan taong 2001-2004, na kabilang sa City Development Strategy (CDS) na siya ring kasama sa Capital Investment Project.
Marami pang nagawa ang administrasyong Panaligan sa nakalipas na walong taon!
Subaybayan natin!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, lunes miyerkules at biyernes 12:00noon-1:00pm sa DWXR 101.7 FM kalahi- Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!
The post Mapalad ang Calapeño kay Mayor Arnan Panaligan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: