KINUMPIRMA ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go na umapela siya kina Pangulong Rodrigo Duterte at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., at maging sa iba pang namumuno ng National Vaccination Program na ikonsidera ang pangangailangan din ng mga Overseas Filipino Workers kasama na ang mga seafarers.
Ipinaliwanag ni Go na ilan sa mga ito ang nag-aalangan sa pagpapabakuna dahil may ilang bansa ang naghahanap ng specific na brand ng bakuna bagamat napatunayan namang ligtas ang mga bakuna sa bansa.
Sinabi ni Go na hindi mahihikayat ang mga OFW na magpabakuna dahil takot silang hindi tanggapin sa bansang kanilang pupuntahan ang itinurok sa kanila sa Pilipinas.
Kaugnay nito, sinabi ni Go na dapat maglaan ang pamahalaan ng bakuna na angkop para sa kanila na tanggap sa pupuntahang bansa ng mga OFW
Ayon kay Go, inaasahan namang may nasa 10-million na bakuna na darating sa Hunyo kaya naman dapat mai-allocate ang mga angkop na bakuna para sa mga manggagawang Pilipino sa abroad
Nanawagan din si Go sa mga OFW na suportahan ang National Vaccine Rollout dahil may pagtiyak naman na ikinokonsidera ang kanilang mga concerns.
Dagdag ni Go na kailangan lamang ipakita ng mga OFW ang kanilang passport at iba pang dokumento bilang patunay na nabibilang ang mga ito sa A4 category. (Mylene Alfonso)
The post Mga OFWs at Seafarers, pinasasama sa A4 category; bakuna dapat akma sa bansang pupuntahan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: