Facebook

PH Olympic rowing qualifier, nakakuha ng ibayong suporta kay Rep. Angelina ‘Helen’ D.L. Tan

NAKAKUHA ng kinakailangang suporta mula kay 4th District, Quezon Province Representative Angelina ‘Helen’ D.L. Tan ang Filipino rower at pride ng Atimonan, Quezon na si Cris Nievarez na kakatawan si Pilipinas sa darating na Tokyo Olympics.

Nangako ng lahat ng kanyang suporta si Rep. Tan, na siya ring Chairperson ng Committee on Health, sa House of Representative kay Nievarez na kanya ring kababayan at 2019 SEA Games gold medalist.

Ang tulong na magmumula kay Rep. Tan ay upang makapaghanda ng husto si Nievarez para sa men’s single sculls event ng Tokyo Olympics.

“I am very proud of what Cris, my kababayan from Atimonan, Quezon, has achieved not only for himself but for the country despite the hardships that he faced early in life. Being only the third rower to participate in this prestigious event proves that difficulties are meant to rouse and prepare us not discourage and dismay”, pahayag ni Rep.Tan sa isang maliit na pagtitipon na ginawa sa La Mesa Dam, Quezon City bilang pagbibigay parangal sa makasaysayang pagka-qualify ni Nievarez sa Tokyo Olympics.

Ayon kay Rep.Tan, hindi siya nagdalawang isip na pagkalooban ng kinakailangang insentibo si Nievarez dahil aniya ang Pinoy rower ay nagpapaalala rin sa kanya ng kanyang pinagmulan.

“Chris and I came from poor families. But through faith, hard work, and commitment to excellence, we both overcame the odds and won. May the determination and resilience of our new Olympic idol despite the many setbacks serve as inspiration for the younger athletes to strive better and for all Filipinos to never give up”, paliwanag ni Rep. Tan na isa ring doctor by profession.

Sa panig naman ng Tokyo Olympics bound na si Nievarez ay labis itong nagpasalamat kay Rep. Tan at sa pamilya nito at nangakong gagawin ang lahat ng kanyang makakaya upang makapagdala ng medalya at karangalan sa bansang Pilipinas.

Si Nievarez ang ikalawang kinatawan sa Olympics na nagmula sa Quezon, Province. Ang una ay si Benjamin Tolentino, Jr. mula sa Pitogo, Quezon na kumatawan sa bansa noong 2000 Sydney Olympics.

The post PH Olympic rowing qualifier, nakakuha ng ibayong suporta kay Rep. Angelina ‘Helen’ D.L. Tan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PH Olympic rowing qualifier, nakakuha ng ibayong suporta kay Rep. Angelina ‘Helen’ D.L. Tan PH Olympic rowing qualifier, nakakuha ng ibayong suporta kay Rep. Angelina ‘Helen’ D.L. Tan Reviewed by misfitgympal on Mayo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.