MALIIT man ang pondong pinansiyal ay hinde naging sagwil dahil sa masistemang pamamalakad sa liderato ni UNDERSECRETARY ALVIN FELICIANO bilang CHAIRMAN at CEO ng PRESIDENTIAL COMMISSION FOR THE URBAN POOR (PCUP) ay nagagawa pa ring makapaglunsad ng malawakang RELIEF OPERATIONS ngayong COVID-19 PANDEMC bilang pagpapadama ng gobyerno sa pagbibigay asiste sa mga mahihirap na sektor sa ating bansa.
Katunayan, mula nang magsagawa ng RELIEF OPERATIONS ang PCUP sa kasagsagan ng LOCKDOWN ay halos nasa 200,000 pamilya na sa iba’t ibang panig ng ating bansa ang nabigyang ayuda sa kabila na ang naturang ahensiya ay napakaliit ng pondong kanilang natatanggap.., pero, siyempre nasosolusyunan ito ni USEC. FELICIANO sa tulong ng iba’t ibang personalidad na humanga sa kaniyang panunungkulan mula pa sa iba’t ibang ahensiyang kaniyang napanggalingan.
Kaya naman, sa pakikipagkomunikasyon ni USEC. FELICIANO sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, ilang pribadong kompanya at organisasyon ay hinde nag-atubili ang mga ito sa pagpapaabot ng tulong para sa mga kababayang lubhang apektado ng pandemya na karamihan ay nawalan din ng trabaho at hirap upang tustusan ang mga pangangailangan ng pamilya.
Ilan lamang sa mga ipinamamahagi ng PCUP sa mga komunidad ng maralita ay mga food packs na galing sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ready-to-cook items mula sa Jollibee Group Foundation (JGF), iba’t ibang klase ng gulay na handog naman ng Department of Agriculture (DA) habang naging katuwang din ng Komisyon sa pamamahagi ng tulong ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na sako-sakong mga bigas na may kasama pang grocery items naman ang ipinamigay.
“Limitado man ang pondo ng PCUP sa pagsasagawa ng relief operation, hindi ito naging dahilan upang huminto ang Komisyon sa pagseserbisyo sa taumbayan. Kami ay nakipag-ugnayan sa iba’t ibang sangay ng gobyerno at mga pribadong institusyon at korporasyon upang ilapit sa mga ito ang maralitang tagalungsod at mabigyan ng agarang tulong sa panahon ng pandemya. Hindi pa tapos ang aming pagpapaabot ng tulong dahil kulang pa ang numerong iyan. Marami pang mga kababayan natin ang nangangailangan ng tulong lalo na’t hindi pa tapos ang laban ng bansa kontra COVID-19 kaya naman mas magiging masigasig ang aming ahensya na dagdagan pa ang bilang ng mga benepisyaryong makikinabang sa programa ng PCUP,” pahayag ni FELICIANO.
Tuloy-tuloy naman sa pag-arangkada ang PCUP relief operations upang suyurin ang mga komunidad ng maralita na hindi masyadong naaabutan ng tulong. Kasama rin sa mga ipamimigay ng Komisyon ay mga face masks, face shields, at alcohol bilang pagsuporta nito sa kampanya ng gobyerno na sugpuin at wakasan ang COVID-19.
Bunsod nito ay patuloy na nakikipag-ugnayan ang PCUP sa iba pang mga pribadong organisasyon upang mabigyan ng mga asiste ang mas malawak pang hanay ng maralitang Pilipino na labis na nangangailangan sa panahon ngayon.
PRC NANGUNGUNA SA SERBISYONG PCR…
Bahagi sa pagprotekta ng sambayanan laban sa COVID-19 ay ang PHILIPPINE RED CROSS (PRC) ang maituturing na nangunguna sa pagsasagawa ng SWAB at SALIVA RT-PCR tests sa buong bansa na mahigit 3 milyon-katao na ang napagserbisyuhan sa liderato ni PRC CHAIRMAN/CEO SEN. RICHARD GORDON.
“We at the Red Cross continue to remain diligent against this invisible enemy, by testing 24% of the country’s nationwide output and even accounting for 40% of total tests conducted during the recent surge. If we did not go into testing, 250,000 COVID-19 positive cases would have gone undetected and unknowingly spread the virus,” pahayag ni SEN. GORDON.
Ang kauna-unahang molecular laboratory for COVID-19 RT-PCR TESTING ay itinayo ng PRC sa kanilang NATIONAL HEADQUARTERS sa loob lamang ng 14-days bilang panuporta sa pagsusumigasig ng gobyerno na maapula ang mga virus. Ito ay kinilala ng RESEARCH INSTITUTE FOR TROPICAL MEDICINE nitong April 14, 2020 makalipas ang isang buwang pagkakadeklara ng WORLD HEALTH ORGANIZATION (WHO) hinggil sa virus global pandemic. Matapos nito ay ang pagkakagawa ng mga laboratoryo sa PRC LOGISTICS AND MULTIPURPOSE CENTER at sa PRC PORT AREA na siyang single biggest mecular laboratory sa buong bansa na milyong tests na ang naisagawa. Sa ngayon, ang PRC ay may 13 molecular laboratories sa buong bansa ang pinangangasiwaan.
“The country’s battle against COVID-19 is far from over, and the Red Cross will continue to improve and innovate to reinforce our defense against the virus. Our Red Cross staff and volunteers detect the virus, take care of the COVID-19 positive individuals in isolation and the families they would leave behind, and treat those who need immediate care in our field hospitals. Truly we are tireless humanitarian workers who always look for avenues to help alleviate the suffering of humanity,” pahayag ni GORDON.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Relief operation ng PCUP tuloy-tuloy appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: