Facebook

‘Sibakan blues’

MAPIPILITAN si Rodrigo Duterte na sibakin ang ilang tauhan ng Gabinete na sa kanyang pakiwari ay mga walang silbi o taliwas sa kanyang pro-China na paninindigan. Nangunguna si Teodoro Locsin, Jr. ang kalihim na Department of Foreign Affairs (DFA), sa listahan ng ga sisibakin. Kumalat ang ugong na si Harry Roque ang ipapalit. Matindi ang pagtutol kay Roque sapagkat wala siyang naiintindihan sa diplomasya. Malamang na hindi siya ang papalit.

Kumakalat ang balita na si Chito Sta. Romana ang hahalili. Si Sta. Romana ang kasalukuyang sugo ng Filipinas sa China. Limang taon na siyang ambassador doon at mukhang nauunawaan niya ang pasikot-sikot ng diplomasya bagamat wala siyang karanasan pagdating sa relasyon ng bansa at Estados Unidos. Matagal na akademiko si Sta. Romana.

Iba na ang tono ni Locsin pagdating sa kontrobersiya sa West Philippine Sea na kinakamkam ng Peking. May mga balita na hindi natutuwa si Duterte sa kanya. Hindi siya magalaw dahil natatakot si Duterte na magkaroon ng “krisis” sa Gabinete. Hindi namin maunawaan kung kakalas ang ibang kasapi ng Gabinete ni Duterte. Kung mangyayari, haharap sa matinding suliranin ang gobyerno ni Duterte. Hindi natin alam kung ano ang kahihinatnan.

Naunang humingi ng saklolo si Duterte sa kanyang Gabinete. Tanging si Harry Roque at Sal Panelo ang tumugon sa tila desperadong si Duterrte na humihingi ng suporta sa kanyang mga bataan sa Gabinete. Hindi siya pinansin ng mga taong inaaasahan niya na tutulong hanggang sa huli. Maaaring hindi nila kabisado ang usapin ng West Philippine Sea. Maaring natatakot sila na matawag na “taksil sa bayan,” o “traydor” na kasalukuyang itinatawag kay Duterte.

Maaaring hindi nila suportado ang paninindigan ni Duterte at nanininiwala sila na hindi makakabawi si Duterte sa mga masasakit na salita na itinawag sa kanya. Ayaw nila na masabit hindisila kumportable sa paninindigan ni Duterte. Hindi sila kampi sa China, sa maikli. Si Duterte lang ang kampi sa China at hindi kasama, sa totohanang salita.

Para kay Locsin at DFA, tanging ang 2016 desisyon ng Permanent Arbitration Commission ng United Nations Convention on Law of the Sea (UNCLOS) ang basehan ng relasyon ng Filipinas at China. Sa tingin na buong mundo, hindi pag-aari ng China ang halos kabuuan ng South China Sea and katig si Locsin at DFA sa ganitong paniniwala. Kathang-isip ang teoryang Nine Dash-Line na batayan ng pag-angkin ng China sa South China Sea.

Pinagtatawanan ang China sa buong mundo dahil sa nakakatawang pag-angkin sa karagatan. Walang batayan sa kasaysayan at batas ang pag-angkan. Ngunit pilit na isisasantabi ni Duterte ang panalo ng Filipinas sa UNCLOS. Pilit na pinahihina ni Duterte ang panalo ng Fiipinas sa pandaigdigang hukuman sa mga alitan sa karagatan. Pinagtatawanan si Duterte sa kanyang kalokohan.

Dahil walang suporta si Duterte sa kanyang Gabinete maliban sa dalawang abugado na pinagtatawanan sa komunidad ng mga mananaggol, pilit na nagtatawag si Duterte ng “resbak,” o backer. Nauna na si Juan Ponce Enrile. Mukhang susunod si GMA at Erap Estrada, mga nakulong na dating presidente.

Mapipilitan siDuterte na balasahin ang Gabinete at palitan si Locson upang pabanguhin ang nanlilimahid na imahe sa international community. Walang sumusuporta kay Duterte sa international community kundi China. Hindi malaman kung makakatulong ang pag-alis at pagpalit kay Locsin ng isang baguhan sa daigdig na diplomasya. Abangan.

***

KUNG si Bise Presidente Leni Robredo ang tatanungin, hindi dapat ang usapang bilateral upang malutas ang suliranin sa usapin ng West Philippines kung saan daan-daan sasakyang pandagat ng Chinese militia ang nakadaong. Hindi patas ang usapan na bilateral sa pagitan ng Filipinas at China. Usapang multilateral ang dapat at kasali ang ibang bansa, ani Leni sa kanyang programa sa radyo.

Walang lakas ang Fiipinas sa usapang bilateral at pagsasamantalahan ng China ang kahinaan na Filipinas, aniya. Hindi binanggit ni Leni kung ano ang mga ibang bansa bagaman may pahiwatig siya na dapat kasama ang ibang bansa sa Timog Silangang Asya. Naniniwala si Leni na magandang batayan ang hatol ng UNCLOS arbitration tribunal bilang saligan ng usapang multilateral. Hindi ito naiintindihan ni Duterte. Mukhang hindi ito mangyayari hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino sa susunod na taon.

***

HINDI maayos ang pagpili ng administrasyong Duterte sa mga uugit sa pamahalaan. Minsan kaming nagsulat tungkol sa isyung ito. Hindi binubusisi kung kwalipikado ang mga uugit sa gobyerno.

VETTING PROCESS

This phrase refers to the conduct of background checks to determine the fitness and usefulness of certain individuals for employment, conferment of awards, or political nomination and selection. Prospective appointees, honorees, or nominees undergo thorough background checks along moral, physical, spiritual, political, and other issues to determine their fitness.

Political appointments, selections, and nominations usually entail a thorough vetting process to avoid public embarrassment or humiliation when those appointments, nominations, and selections are publicly announced. Usually, the vetting processes are not publicly announced; they are usually conducted quietly.

When Democratic candidate John F. Kennedy won over Republican bet Richard Nixon in the 1960 U.S presidential elections, the defense portfolio went to Robert McNamara, an American of Irish descent like Kennedy. In his autobiography “Retrospect,” McNamara, who was then the president of Ford Motors, one of the three largest car manufacturers in the U.S., confessed he did not know Kennedy personally and the only time he met Kennedy in flesh was when the latter offered him to become his defense secretary.

McNamara was so surprised of his appointment. Kennedy reassured him that he was thoroughly vetted. “But I am not qualified,” McNamara told the president-elect in what appeared to be his way to reject the offer. McNamara did not feel he needed the job; he was president of a big car producer at that time. But Kennedy had his way of soothing his frayed nerves. “So am I,” Kennedy gently told McNamara.

Not all vetting processes are successful. George McGovern, the Democratic presidential candidate in the 1972 presidential elections had to abandon Thomas Eagleton as his running mate after it was revealed that the latter had bouts of depression and was hospitalized several times. Sargent Shriver replaced him.

John McCain’s selection of Sarah Palin as his running mate in the 2008 presidential elections was also regarded as a product of poor vetting processes like Eagleton’s.

In Philippine politics, vetting processes are equally important because any wrong choices in the nominations of prospective Cabinet members could bring disaster for the administration.

***

QUOTE UNQUOTE: “Expect the pandemic to last longer in the Philippines. Health authorities want the people to take Sinovac. But many people don’t want it. There’s mass rejection of that brand.” – PL, netizen

“The madman faces intense diplomatic pressures from Japan, Australia, and the developed world concerning the 2016 arbitral win. The madman has been on defensive mode because he could not sustain his pro-China posture without endangering his political post and stature. He is now known as “The Traitor.” He’s still figuring out what to do.” – Archie Belina, netizen

“Ani Erin Tanada, may split personality si Bong Go. Aniya: ‘Alalay ka ba ng Pangulo o mambabatas sa Senado’”- Joselito Macapinlac, netizen

The post ‘Sibakan blues’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Sibakan blues’ ‘Sibakan blues’ Reviewed by misfitgympal on Mayo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.