KINUMPRONTA ng isang lalaki ang pari na “lover” ng kanyang misis sa San Fernando City, Pampanga.
Sa kumakalat na video sa social media, nagtungo ang mister sa social hall ng simbahang pinaglilingkuran ng pari.
Sa report, winasak ng mister ang kanilang family picture sa harap ng pari at ng kanyang misis.
Sa video, maririnig na nag-sorry ang pari habang binulalas ng mister ang galit nito at sinabing sinira ng pari ang kanilang pamilya.
“Thou shall not covet thy neighbor’s wife,” pahayag pa ng mister na patungkol sa isa sa Ten Commandments.
Nang magsabi ng “sorry” ang pari, lalong nag-init ang ulo ng lalaki at makailang beses na hinampas ang portrait ng pamil-ya habang sinasabing nasira na ang kanyang pamilya.
Kasama rin ang tila anak ng mag-asawa na binalaan ang pari na pina-iimbestigahan na ito.
Ilang ulit ding tinawag ng lalaki na ahas ang pari, dahil ma-lapit ito sa pamilya at tila sinamantala ang misis.
Tahimik lang ang misis, ma-ging ang pari sa limang minutong video.
Hindi na pinangalanan ang tatlo upang maprotektahan ang pamilya ng lalaki.
Sinabi naman ni Archibishop Florentino Lavarias na kausap na niya ang naturang pari at ang pamilyang nagulo ang relasyon.
The post MISTER BINUKING SA VIDEO KINABIT NG PARI ANG MISIS appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: